• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano gave mom Gov. Vilma Santos a diamond jewelry set for her 61st birthday

Luis Manzano gave mom Gov. Vilma Santos a diamond jewelry set for her 61st birthday

Luis also says his mom celebrated her birthday with a simple dinner with their family.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/4/2014 3:10 PM
Luis Manzano gave mom Gov. Vilma Santos a diamond jewelry set for her 61st birthday


110414-luis_main.jpgSixty-one years old na ang Star for All Seasons and Batangas Governor na si Vilma Santos last November 3. Kumpara sa mga nakaraang birthday ni Ate Vi na may malalaking birthday parties at salo-salo, mas pinili niya ngayon ang simpleng celebration kasama lang ang piling kaibigan at kapamilya.

“Nag dinner kami to be more precise on the second kasi ngayon trabaho na lahat so everyone close to my mom were there simple dinner lang, si Angel nandoon naman talaga siya hindi pwede mawala sa birthday ni mommy. Medyo mellow si mommy itong birthday nya na ito eh she really wanted something very simple.”

Nagbigay update din si Luis sa health condition ni Ate Vi na ngayon ay nagpapagaling sa allergies, dahil nga daw dito na-move ang ilang commitments na campaign ads at pelikula.

“She’s gonna be okay in no time siguro bad timing lang in fact with what happened she had to move around certain endorsements she’s suppose to shoot alam ko they have to already do some things regarding a movie with Angel so nausod na naman yun because of what happened”

Pero kahit simple lang ang naging celebration, extra special naman ang nagging regalo ni Luis sa kanyang ina.

“I got her a jewelry set. Noong binigay ko iyung sa akin natuwa siya she put it on right away the earrings nakakatuwa lang talaga she gave me the ring back dahil kailangan baguhin iyung sukat but kumbaga I’d like to think na nagustuhan nya talaga ang regalo ko”

Dito rin nagbigay si Luis ng update sa napipinto niyang pagpasok sa mundo ng pulitika.


“Sabi ko nga I was with the whole family last night and tito Ralph right before we left sabi niya we have to talk soon lets talk politics so we will talk soon so doon na medyo seryoso na kasi ayoko haluan ng iba iyung kagabi because its my moms birthday its her special day.”

Kasama si Luis sa cast ng pelikulang Moron 5.2 na showing na sa November 5 sa ilalim ng direction ni Wenn Deramas under Viva Films.