Governor Vilma Santos reveals health issues

Ate Vi admits she needs to give time for rest in her stressed-filled world of politics and show business.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/4/2014 4:11 PM
Governor Vilma Santos reveals health issues


110414-vilma_main.jpgNagkaroon ng infection sa ilong si Star For All Seasons at Batangas City Governor Vilma Santos. Dahil sa nangyari, hindi puwedeng ma-expose sa araw ang aktres. Bawal din siyang maglagay ng make-up sa mukha para hindi lumala ang impeksyon.

“After ng ulcers ko, ito namang ilong ang na-infect sa akin. Nangyari na ito sa London, eh. Nilagyan ko ng steroids ang ilong ko kaya lalong lumala,” pahayag ni Gov. Vi.

“Para tuloy akong si Rudolph the red nose reindeer! (laughs)  But getting fine na. Bawal nga lang lagyan ng make up,” dagdag pa niya.

Inamin ng aktress na posibleng stress ang dahilan kung bakit siya nagkakasakit lately.

“I guess, dahil na rin sa stress ito. Hindi naman maiiwasang ma-stress sa trabaho, ‘di ba? Normal lang naman ’yon., kaya nga nagpahinga ako sandali,” kuwento pa ng gobernador ng Batangas.

May mga schedule na naapektuhan dahil sa pagkakaroon ni Ate Vi ng impeksyon sa ilong. Kanselado muna ang dapat sanay ay paggi-guest niya sa ASAP 19. Ipinagpaliban na rin ang syuting niya para sa bagong commercial ng Bear Brand pati na ang ilang activities sa Batangas.

Kailangan ng pahinga, eh. Ganun talaga. Pero kapag okey na talaga ako, magagawa ko na rin naman ulit lahat,” paniniguro pa ng aktres.

Humingi rin ng paumanhin at pang-unawa si Ate Vi sa mga kaibigan sa showbiz na nakaka-miss na sa kanya.

“I guess bumaba rin ang immune system ko! Kaya sabi ko nga, pahinga lang ang kailangan. Just tell my friends na pasensiya na muna but in due time, makakasama rin nila ako,” she said.

Samantala, birthday ni Ate Vi noong Lunes (Nov. 3), pero walang malaking selebrasyon na nangyari sa kapitolyo ng Batangas. Isang simpleng kainan lang ang naganap kasama ang kanyang mga kapamilya.

Happy birthday Ate Vi, mula sa amin dito sa Push.com.ph.