• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto on rumors he's marrying Pauleen Luna: 'Bakit masyado ninyo naman akong minamadali?'

Vic Sotto on rumors he's marrying Pauleen Luna: 'Bakit masyado ninyo naman akong minamadali?'

Vic says it's his My Big Bossing co-star Marian Rivera who's getting married, not him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/1/2014 1:40 AM
Vic Sotto on rumors he's marrying Pauleen Luna: 'Bakit masyado ninyo naman akong minamadali?'


120114-vic_main.jpgHalatang umiiwas si Vic Sotto na pag-usapan ang tungkol sa bali-balitang ikakasal na sila ng long-time girlfriend na si Pauleen Luna. Sa presscon ng My Big Bossing na pinagbibidahan niya, nilinaw niya ang tungkol dito.
 
“Hindi ako ang ikakasal. Si Marian (Rivera at Dingdong (Dantes) ang ikakasal. Magni-ninong lang ako,” paglilinaw agad niya.
 
Idinagdag pa niya na hindi rin daw totoo ang balita na after ipalabas ng My Big Bossing sa Metro Manila Film Festival ngayong December ay mag-a-announce na sila ng wedding date.
 
“Bakit masyado n’yo naman akong minamadali?” balik-tanong ng komedyante. “Hindi pa. Wala pang ganu’n. Sasabihin ko naman sa inyo kung may plano na talaga. Hindi naman kayo mahuhuli sa balita, kayo pa ba?” dagdag pahayag ni Vic.
 
Idinagdag din ni Vic na posibleng magpa-presscon pa nga raw siya kapag ia-announce na ang wedding date nila ng kasintahang aktres.

Katabi ni Bossing Vic si Pauleen habang iniinterbyu siya ng movie press after the presscon of My Big Bossing kaya hindi rin maiwasang hingin ang kanyang reaksyon lalo na sa isyu na pumayag na ang parents niya na magpakasal siya kay Vic.

“Wala pang ganu’n. Grabe naman, nauna pa silang nakaalam kesa sa akin. Ha-ha-ha!” reaksyon nito.
 
Nag-react na rin si Pauleen sa balitang may bahay na ipinatayo sa kanya si Vic na magiging “love nest” nila.

“Sobrang suwerte ko naman... May bahay agad-agad? Naku, wala ring ganu’n. Ang dami naman palang iniisyu sa akin. Ha-ha-ha,” natatawa niyang pahayag.

Samantala, sa previous interview ng PUSH kay Bossing Vic, ipinahayag nito na okay lang sa kanya ang maging No. 2 ang pelikulang My Big Bossing sa MMFF. In fairness, consistent siya sa ganitong pahayag.
 
“Wala namang kaso sa akin ‘yon, eh, ke-No. 1 or No. 2. Ang importante sa akin ay maging successful ang filmfest para maging masaya ang lahat. As I’ve said, it’s just a number at hindi ako conscious sa ranking ng pelikula ko,” paliwanag pa niya.
 
Nabanggit din ni Vic na nalulungkot siya na walang filmfest entry this year ang palagi niyang nakakatapat noon na si Sen. Bong Revilla.
 
“Oo nga, nakakalungkot. Nu’ng nalaman ko na magba-backout siya sa filmfest, nalungkot talaga ako. Sana sa mga susunod na taon,” he said.

Going back to Pauleen, maliit lang ang role niya sa My Big Bossing na hindi rin inaging syu sa aktres.

“Tindera lang sa bakery ang role niya sa My Big Bossing. Pero ang importante, kasama siya kahit anong role, kahit cameo role lang... Kulang kasi ang pelikula ko kapag hindi siya nag-guest.”
 
Inamin din ni Vic na may hatid na suwerte si Pauleen sa kanyang mga pelikulang kasali sa filmfest.
 
“Kulang sa box-office, eh. Kulang sa suwerte kapag wala siya. Siya ang lucky charm ko, napansin ko ‘yon, eh,” pagmamalaki pa niya.
 
Tatlong episodes ang bubuo sa My Big Bossing titled Sirena, Taktak and Prinsesa. Sa Sirena, kasama ni Vic sina Pauleen, Ryzza  Mae Dizon, Manilyn Reynes at Wally Bayola under the direction of Tony Reyes.

Sa Taktak episode, kasama naman nina Vic at Ryzza sina Marian Rivera at Jose Manalo. Si Marlon Rivera naman ang direktor nito.

Sa huling episode na Prinsesa, si Nino Muhlach at ang anak nitong si Alonzo Muhlach at Nikki Gil naman ang makakasama nila ni Ryzza Mae. This is under the direction naman of Bb. Joyce Bernal.

Palabas na ang My Big Bossing sa Dec. 25.