Meg Imperial affected by robbery at her home

The young actress says she fears for her family's safety.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/1/2014 1:30 AM
Meg Imperial affected by robbery at her home


113014-meg_main.jpgStressed pa si Meg Imperial ng makausap natin for interview sa celebrity premiere ng Hollywood movie na Dumb and Dumber To sa Makati. Gusto muna ilayo ni Meg ang parents niya at mga kapatid para makapahinga sila matapos ang panloloob na naganap sa bahay nila sa Rizal province nitong nakaraang Linggo at Lunes.
 
“Sa Baguio kami mag-holidays with my family para ma-relax naman ako kasi medyo stressed kami the past days sa mga nangyayari sa amin. Last week pinasok ng magnanakaw ang bahay naming. Two consecutive days Sunday and Monday at first hindi namin napansin akala namin naiwan lang na naka-open ang gate tapos the following day bumalik siya yung bag naman ng mom ko ang nawala. Naiwan niya ang bag sa area ng kapitbahay naming tinangay ang pera at identification cards.”
 
May kutob si Meg na kilala nila at nakapasok na sa bahay nila ang may kagagawan ng nakawan.
 
“Pinapa-investigate na siya ngayon naka file na ang report kung ano nangyari pero hanggang ngayon wala pa rin sana maayos na. nakakatakot kasi parang kabisado na niya bahay naming at mga tao doon parang na obserbahan na kami ng matagal. Nakakagulat kasi maaga siya pumasok mga 11pm ng gabi siguro iyun kaya Mom ko lang ang nakuhanan niya ng gamit kasi ang mom ko madalas sa salas natutulog kaya yung bag ng mom ko ang nakita.”
 
Lubos na pag iingat na rin ang ginawa ni Meg at ng kanyang pamilya para sa kanilang seguridad.
 
“Nagpalit na kami ng mga lock sa bahay ngayon lagi ng nasa bahay ang mga tito ko mas marami na bantay para sila na ang kasama namin at sana huwag na po maulit.”
 
Dasal ni Meg na sana ay hindi na maulit ang ganitong pangyayari sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Nagpapasalamat siya at walang sinuman ang nasaktan sa pangyayaring ito.