• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino at long time make-up artist Bambbi Fuentes, reunited!

Kris Aquino at long time make-up artist Bambbi Fuentes, reunited!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

11/3/2014 2:06 PM
Kris Aquino at long time make-up artist Bambbi Fuentes, reunited!


1103kris.jpg
November 1, habang ang halos lahat ay nasa kani-kanilang probinsiya na para gunitain ang Undas, ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay wala pa ring pahinga sa trabaho. Dahil tuloy-tuloy ang shooting nila para sa inaabangang pelikula this coming MMFF, ang Feng Shui.

Sa kanyang Instagram post last Saturday, kung saan makikitang kasama ni Kris para magbantay sa kanya sina Josh at Bimby, ay makikitang kasama rin ni Krisy si Bambbi Fuentes. Marami ang nasorpresa sa muling pagsasama ng dalawa, dahil sa mahabang panahon – na kinalakihan na rin ng maraming Kapamilya viewers, si Bambbi ang regular make up artist ni Krissy.

Isa si Bambbi sa mga mag-aayos kay Krisy sa napaka-hectic na November schedule niya – for Feng Shui, Kris TV, The Buzz and Aquino & Abunda Tonight – hindi pa kasali sa schedule na pinost niya ang mga endorsement shoots.

Naka-usap ko si Bambbi at nakakatuwa kasi medyo natense daw siya sa muli niyang pagme-make up kay Krisy.

“Siyempre excited though I know maninibago ako at first because napahinga from her face, but after a while, parang last week lang kami huling nagkita... relaxed na agad lalo na kanina, bonding na ulit,” ang sabi sa akin ni Bambbi.

Sa showbiz talaga, walang relasyong tuluyang natutuldukan no? Anumang klaseng relasyon yan, basta’t naging tunay ang pagkakaibigan o pagmamahalan, ilang taon mang magkawalay, masaya pa rin lagi ang reunion. Parang ABS-CBN at sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin lang di ba?