• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes admits feeling pressured on new team-up with Gerald Anderson

Julia Montes admits feeling pressured on new team-up with Gerald Anderson

Julia Montes says she is adjusting to her new leading man.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/3/2014 1:48 PM
Julia Montes admits feeling pressured on new team-up with Gerald Anderson


110314-julia_main.jpgSa naging panayam kay Julia Montes sa selebrasyon ng kaarawan ni Coco Martin, diniretso siyang tanungin ng ilang press, kasama ang programang The Buzz kung totoo bang naging magkarelasyon sila ni Coco Martin. 

Matatandaang matagal nang naiintriga ang dalawa, lalo pa at nagsama sila halos dalawang taon na ang nakakalipas sa teleseryeng Walang Hanggan at naging bukas naman ang aktor sa paghanga kay Julia. Sa muling pagsasama nila sa katatapos lamang na seryeng Ikaw Lamang, kahit na natambal na kay Kim Chiu si Coco Martin, marami pa rin ang nais makaalam kung ano ang estado ng dalawa. Hindi rin naman ikinakaila ng dalawa ang paghanga nila sa isa’t isa.

“Nakakaloka yung mga tanong, wala, Happy birthday Coco. Wala, super close friends kami,” ang simpleng sagot ni Julia.  

Sa ngayon, hindi man abala sa paggawa ng teleserye si Julia, pelikula naman ang kanyang pinagtutuunan ng pansin ngayon, “As of now may movie akong ginagawa with Gerald [Anderson].”

Bago ang tambalang Julia Montes at Gerald Anderson na mapapanood sa isang romance-horror genre sa ilalim ng Star Cinema. Kasama din nila sa pelikula si JC De Vera. At dito, nagbahagi din si Julia kung ano ang aabnangan ng kani-kanilang mga fans sa kanilang pelikula at sa bagong tambalan nilang dalawa, “Suspense and romantic po siya. So iisipin mo kung paano hahadlangan , kung ano ang hahadlangan  sa amin.”

Nagbahagi din si Julia kung kamusta katrabaho ang aktor lalo pa at ngayon niya lang makakasama ang tinaguriang ‘Action-Drama Prince’, “Okay naman po. Masarap katrabaho and first time ko din po siyang makakatrabaho as love team.”

Ngunit aminado si Julia na hindi maiiwasan na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagtanggap at reaksiyon ng mga tao at malaking bahagi nito nab bago ang kanilang tambalan, “Medyo siyempre kinakapa ko pa din. Siyempre first time kami magkakatrabaho nina JC [de Vera] saka nina Gerald [Anderson] so iba yung kilala mo na yung katrabaho mo, pero ngayon okay naman, nakailang shooting days na rin kami,” pagtatapos ng young actress.