Janice de Belen's family recipes featured in a cook book

Janice celebrates as new milestone in her career as a chef.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/3/2014 1:35 PM
Janice de Belen's family recipes featured in a cook book


janice.jpgIpinagmalaki ni Janice de Belen na may bagong ganap sa kanyang career bilang isang chef. Sa ating interview, sinabi ni Janice na featured ang dalawa niyang recipe sa The Filipino Cook Book.

“The idea and concept of the book is parang yung mga recipe na minana mo sa mga ninuno ng family mo kung may ganoon, inisip ko kasi noong bata pa kami si mommy ko naman talaga ang nagluluto sa pamilya hirap na hirap nga ako isipin kasi si mommy may recipes na simple lang na hindi ko na rin maalala kung paano ginagawa, at ma-gulay siya magluto eh hindi naman ako masyado kumakain ng gulay. So finally naalala ko iyung ginagawa niya na favorite naming ni Gelli yung chicken with cream corn and peas. Yun ang contribution ko at isa pang recipe iyun naman iyung unang niluto ko dahil sa nanay ko na sweet and sour spicy spare ribs.”

Biglaan lang daw nangyari ang lahat ng makausap si Janice ng isang food blogger na nag compile ng mga recipe para sa libro.

“Si Angelo Comsti he is a food blogger na ngging guest ko sa isang show, sabi niya sa akin kung type ko mag contribute, sabi ko oo naman di ba para mailagay ang pangalan mo sa isang libro malaking bagay iyun so I said yes.”

Kung masaya si Janice sa nangyari, mas masaya naman ang kanyang ina na si Mommy Susan de Belen kung saan namana ni Janice ang hilig sa pagluluto.

“I have to submit the picture of my mom tapos noong pinakita ko sa kanya ng magpunta ako sa bahay niya dinala ko iyung recipe sabi ko mommy matutuwa ka kasi pag open mo ng page kung nasaan ang recipe contribution ko, mababasa mo Susan de Belens ganito ganito tapos picture niya at mga kapatid niya. Natuwa siya sabi niya sa akin sa kanya na lang daw ang book.”

Bukod kay Janice kasama niya rin na feature sa cook book sina Chef Jun-jun de Guzman, Staphany Zubiri, Lander Vera Perez at iba pa.