Nadine Lustre says her team up with James Reid has matured

The young actress reveals earlier playdate of "Para Sa Hopeless Romantic"

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/29/2014 9:15 AM
Nadine Lustre says her team up with James Reid has matured


112914-nadine_main.jpgHindi pa man dumadaan ang pagpapalabas ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival, excited na ang fans sa Valentines Day dahil dalawang local movies na pinagbibidahan ng mga sikat na teen tandems ngayon ang sana ay magtatapat sa sinehan. Ito ang Para sa Hopeless Romantic na bida sina James Reid at Nadine Lustre at ang inaabangan na bagong Kath-Niel movie kasama sina Lorna Tolentino at Gabby Concepcion.

Pero sa ating interview kay Nadine, mukhang mas maaga mapapanood ang kanilang pelikula ni James.

Busy po kami ngayon tinatapos na naming ang movie na Para sa Hopeless Romantic showing na po kasi kami sa last week ng January I heard hindi na Valentines. It’s a healthy competition naman po we are not competing at all that is fine

Kasama rin ng Ja-Dine sa pelikula ang bagong tambalan ni Inigo Pascual at Julia Barretto na kahit kasama sa pelikula ay hindi makaka eksena ni Nadine at James dahil sa itatakbo ng istorya.

“Mukhang wala po para sa movie kasi sina Inigo at Julia made up characters ko sila sa story ko na ginagawa so hindi po kami magkaka eksena dito.”

Ipinagpapasalamat din ni Nadine ang lahat ng mga naganap sa kanyang career ngayong 2014 dahil mas naging mainit ang kanyang career sa pelikula at sa telebisyon.

“Mas masaya ang team up at samahan namin ngayon ni James marami na kami napag samahan sa work and nagma mature na ang samahan namin. 2014 has been an awesome adventure ang dami nagbago sobrang dami po nangyari mga magaganda at di maganda pero mas lamang ang maganda kaya I’m very thankful sa 2014. Dalawang movies naming ang nagkaroon ng magandang results sa box office iyung Diary ng Panget at iyung Talk Back kaya thankful po ako.”