Xian Lim on Kim Chiu: ‘We trust each other’

Xian Lim says trust is the reason why he and Kim Chiu confide in each other.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/29/2014 4:55 AM
Xian Lim on Kim Chiu: ‘We trust each other’


112914-xian_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ayon kay Xian Lim matatag ang samahan nila ni Kim Chiu bilang magkaibigan at “we trust each other” kaya raw sa isa’t isa sila nagko-confide. Alam din daw ni Kim na ano man ang sabihin niya kay Xian ay ‘di makakalabas.

Totoo rin na sinabi ni Xian kay Kim na pabayaan na ang mga nagsasabi na binili niya ang kanyang Best Actress award na ginawad sa kanya sa 28th PMPC Star Awards for Television dahil “at the end of the day, ikaw ang panalo.” Nag-comment rin si Queen of All Media Kris Aquino na “pader” ni Kim si Xian at nakita rin daw ito maging noong mamatay ang mama ni Kim at naging sandalan ng aktres si Xian.

Inamin rin Xian na hindi niya dinalaw si Kim sa set ng Ikaw Lamang kung kaya namiss raw niya ang dalaga habang ginagawa ang naturang teleserye.

Tapos na rin ang bahay na pinapagawa ni Xian at niregaluhan siya ni Kim ng mga gamit sa bahay katulad ng carpet. Ayon pa kay Xian, maganda ang taste ni Kim at bumagay sa bahay niya ang mga bigay ng aktres. 

Grateful rin si Xian sa kanyang mga endorserments kung kaya naman nagre-reflect raw ito sa kanyang mga Instagram posts.