Gab Valenciano reveals career plans after Beyonce project

The performer says he has a 'surprise' project coming out on YouTube this December 9.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/28/2014 8:09 PM
Gab Valenciano reveals career plans after Beyonce project


112814-gab_main.jpgPasabog na good news ang nangyari sa career ni Gab Valenciano sa kanyang pakikipag trabaho sa international recording at concert artist na si Beyonce. Nagbunga na ang “super selfie” na pinauso ni Gab na siyang nagging inspiration ng bagong “7/11” music video ni Beyonce.

Dito muli binalikan ni Gab ang nagging proseso ng lahat na hindi niya makakalimutan.

“It was a three week process of emails and telephone calls and then she posted it. It was hard kasi ang dami nagtatanong sa akin kung ano na ginagawa ko ngayon I know nasa LA ka kakalipat mo lang what are you busy with, alam mo iyung di mo masabi pero gusto mo sabihin. It was very exciting. Si mommy una ko sinabihan sa family.”

May malaki rin na chance na muli sila magka trabaho ni Beyonce sa mga darating nito na proyekto.

“There are talks sa email na hopefully in the future we can work again together pero as of now dito muna ako sa video na ito kasi I'm still processing the fact na nagkaroon ako ng chance to work with them.”

Ayaw naman sabihin ni Gab ang exact amount ng kanyang talent fee na nakuha sa project na ito pero masaya daw siya sa kinalabasan ng project.

“I can't disclose that pero all I can say is that I am happy. Happy naman ako. I’m now gonna be based in LA I really plan to get full forced with production and I want to build a team so we can create more stuff together.”

Hindi pa dyan natatapos ang lahat dahil sa December 9, may isa pang malaking good news si Gab na hindi muna pwede sabihin sa publiko.

“There is something coming out on December 9, there is something launching on YouTube. I'm not sure if its as big as Beyonce pero it’s a big deal kasi medyo it was handpicked ang mga kasama doon. I really can't say hanggang doon na lang muna”

At sa lahat ng pagod at fruits ng kanyang pinagpaguran, alam na ni Gab ang regalo niya sa kanyang sarili.

“I plan to get a car when I get home. That is something na everything I’ve been through sa school pati sa Florida wala ako kotse motor ang gamit ko doon, so feeling ko after all the hard work that I've done not just with the Beyonce project I think I deserve a car. (laughs).”

Dahil naka break na sa international music scene, type ni Gab na maka trabaho ang mga idol niya na sina Justin Timberlake, Adele at Katy Perry.