• Home
  • Fresh Scoops
  • ER Ejercito says "Magnum 357" is a tribute to Fernando Poe Jr.

ER Ejercito says "Magnum 357" is a tribute to Fernando Poe Jr.

Six months nang wala sa posisyon bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna si E.R. Ejercito pagkatapos ma-disqualify ng Comelec sa isyu ng over spending. Bagama’t nami-miss niya ang magsilbi sa mga kab

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2014 11:55 PM
ER Ejercito says


112814-er_main.jpgSix months nang wala sa posisyon bilang gobernador ng lalawigan ng Laguna si E.R. Ejercito pagkatapos ma-disqualify ng Comelec sa isyu ng over spending. Bagama’t nami-miss niya ang magsilbi sa mga kababayan, sa pelikulang Muslim Magnum 357 muna naka-focus ang kanyang atensyon.
 
Ang Magnum 357 ay unang ginawa noon ni late Fernando Poe Jr. taong 1986 at iri-remake ni ER para sa 2014 Metro Manila Film Festival.
 
“Ipinagpaalam ko kay Atty. Espiridion Laxa bago siya namatay na gagawin ko ang pelikula. Title lang naman ang hiniram ko saka yung panglan ng bida. Pumayag naman siya agad. 
 
“Nung panahon ni Ninong Ron (FPJ), 1986, maganda ‘yon. Ngayon, iba na ang panahon, mas high-tech na, naka-laptop na ako rito, may mga tracker, may tracking device, ang mga baril natin dito high-tech na rin,” kuwento niya sa Push.
 
Ipinagmalaki rin ng dating gobernador na ipapakita sa pelikula ang customs and traditions ng mga Muslim at ang Filipino martial arts ng mga Tausog na tinatawag na kuntao.
 
Isang undercover agent na Tausug na si Lt. Jamal Rasul ang gagampanang character ni ER sa pelikula. Si Sam Pinto naman ang kanyang makakapareha.
 
“Si Sam dito ay si Princess Amira, siya ay Maranao naman. Teacher siya dito. Pero sa last part ng movie, ikakasal kami,” kuwento pa niya.
  
“Matagal ko nang gustong makatrabaho noon si Sam, kaya lang hindi naman matuluy-tuloy. Buti dito sa Magnum 357 natuloy din finally. Dapat kami ang magkasama sa ibang pelikula ko noon,” dagdag pa niya.
 
Ayaw namang i-reveal ni ER kung may kissing scene sila ni Sam sa Magnum 357. “Secret. Abangan na lang nila sa movie,” sey pa niya.

Ibinalita rin ng aktor na ang kanyang pelikula ay tribute para kay FPJ.
 
“Sa mga kabataan ngayon, marami ang hindi nakapanood ng Magnum 357 noon ni Ninong Ron. Kaya itong version ko ay tribute para kay Fernando Poe Jr, bilang hari ng pelikulang Pilipino at ninong ko sa kasal at tribute ko rin sa Muslim community ng bansang Pilipinas specifically sa Maranao at Tausug.”
 
Samantala, okey naman daw ang lagay ng kanyang pamilya kahit wala na siya sa power.
 
“Apektado kami siyempre at ang pamilya ko. Ang mahalaga, nando’n pa rin yung respeto ng mga tao sa akin at sa pamilya ko. Hindi nawawala ’yon lalo na ng mga kababayan ko sa Laguna kasi alam naman talaga nila ang totoong nangyari,” makahulugan niyang pahayag.
 
Kasama rin sa Magnum 357 ang anak ni ER na si Jericho Ejercito na ayon sa aktor ay inihahanda na rin niya para magbida sa pelikulang Ben Tambling next year.
 
Kontrabida naman sa pelikula sina Roi Vinzon at Baron Geisler. May special participation ang broadcaster na si Rey Langit na part din ng unang Magnum 357. Francis Jun Posadas directs the movie.