Alodia Gosiengfaio to be part of a Japanese movie

Alodia says she appreciates the support of both Japanese and Pinoys to her cosplaying talent.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/29/2014 12:00 AM
Alodia Gosiengfaio to be part of a Japanese movie


112814-alodia_main.jpgWith almost 4.6 million likes on Facebook para sa kanyang official fan page, masasabing in-demand at effective product endorser si Alodia Gosiengfiao. She is now the face of Katinko Ointment kasama ang kapatid niyang si Ashley at ang mom nilang si Mariglor.
 
Sa presscon ni Alodia for Katinko held few days ago, ipinagpapasalamat niya ang suporta sa kanya ng Japanese fans na naa-appreciate ang galing niya sa cosplaying.
 
“Sa Japan kasi natutuwa sila na they saw a foreigner who loves their own culture. Sa kanila po kasi parang normal lang yung cosplaying... In Japan po kasi, parang it’s a new territory, nakakakaba, kasi siyempre, iba na ‘yon, eh. It’s a different language, diffferent culture. But i’m studying it and nakakatuwa kasi you never stop learning, parang ibang world naman ito,” pahayag ni Alodia sa interbyu ng Push.
 
Pero maging ang mga Pinoy daw ay todo  rin naman ang suporta sa kanya. 
 
“I’m happy na sinu-support pa rin ako ng mga Pinoy sa pinaggagawa ko po sa Japan.”
 
Masaya na rin ngayon ang dalaga na marami na ang mga Pinoy na nakaka-relate sa kanyang fashion.
 
 “Natutuwa ako na may mga Pilipino who can relate to me,  ‘yung parang siyempre same kami ng fashion, natutuwa na they can look up someone na pareho nila, na hindi pala weird maging ganito, na it’s actually cool. Sa Japan naman natutuwa sila na merong foreigner who loves their own culture,” kuwento pa niya na amidong ikinahihiya ang pagko-cosplay noon.
 
“When I was starting, ang gusto ko lang po sana ay ma-appreciate ng mga tao what cosplay is. And I’m just happy na ganun na po ngayon yung treatment dito sa atin, like we celebrate it, we honor it, we do events, and nakakatuwa kasi 
sobrang tumataba yung puso ko na nangyari yung ganito.
 
“Dati kasi sobrang nahihiya rin akong mag-cosplay nung nagsisimula pa lang ako, kasi yung costume namin medyo iba nga, pero ngayon, sobrang na-appreciate na siya ng community natin,” pagre-recall pa ni Alodia
 
May tinanggap na rin daw siyang isang pelikula sa Japan. “It’s a very educational film , heart warming story government will support po. Medyo confidiential pa po, eh. They will present me as a Filipino who loves Japanese culture,” patuloy pa niya.
 
Saan pa ba niya gustong i-explore ang cosplaying maliban sa Pilipinas at Japan?
 
“After Japan, maybe the whole world? Ha-ha-ha! ” pabiro niyang pahayag.  “But I mean, what ever happens, whatever comes my way, i’ll try my best and hopefully, maging successful,” she ended.