• Home
  • Fresh Scoops
  • Jodi Sta. Maria and Richard Yap say farewell to Maya and Sir Chief

Jodi Sta. Maria and Richard Yap say farewell to Maya and Sir Chief

The stars of the longest-running daytime serye says all good things must come to an end.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2014 10:26 PM
Jodi Sta. Maria and Richard Yap say farewell to Maya and Sir Chief


112714-jodirich_main.jpgPinuntahan natin sa set ng kilig seryeng “Be Careful with My Heart” sina Jodi Sta Maria at Richard Yap para sa kanilang huling interview bilang “Maya” at “Sir Chief” na naging parte na  ng araw araw na schedule ng karamihan sa panonood ng telebisyon.

Ano nga ba ang pakiramdam nilang dalawa sa pagtatapos ng kanilang serye na nagtagal ng dalawa at kalahating taon? Si Richard, bittersweet sa pangyayari.

"It's just natural. Ano kasi naging kasama namin sila ng two years and a half so marami na yung naging habit nila. I'm sure mamimiss nila to in a way. Nalulungkot din kami not only for us but for them also." 

Si Jodi naman, naiintindihan kung malungkot ang mga fans nila sa serye.

"Tulad ng sinabi ni Richard, di maiiwasan na maging ganoon ang reaction ng mga tao dahil dalawang taon din naman nila nakasama ang Be Careful With My Heart at siyempre kahit na anong bagay na nagsisimula, may katapusan din."  

Kung ang wedding scene nila ang tumatak at paboritong eksena ni Richard, si Jodi naman, inisa-isa ang mga di nya makakalimutan.

"Sa two years andami kasi mga eksena na tumatak sa akin, siguro yung time na nanny pa si Maya, yung nagplay siya na mermaid tapos nalaglag siya sa pool. And then yung nagharana sa kanya si Sir Chief kung saan talagang marami sa mga kababayan natin ang kinilig and of course yung sinabi ni Sir Chief nung wedding." 

Matapos ang Be Careful taping skeds ng dalawa, babawi sila sa kanilang mga pamilya ng bakasyon at pahinga.

"Well ako magpapahinga muna. Magspend muna ng time sa anak ko. Babawi (laughs). Ayun pahinga muna siguro. Next year na ako magtratrabaho," sabi ni Jodi.  

Anu man ang maging ending ng Be Careful With My Heart, malaki ang pasasalamat nina Jodi at Richard sa nagawa ng hit seryeng ito sa kanilang mga career.

Sabi pa ni Jodi, huwag kalimutan ang good vibes na nararamdaman kapag nanonood ng kanilang palabas.

"Nagpapasalamat kami sa naging suporta nila and para maging ganun ang reaction nila siguro naging attached na yung viewers sa palabas. Siguro ano lang, okay lang yan. Huwag na kayo umiyak. Kami man siyempre nalulungkot pero kailangan umabot na sa ganito di ba? Pero siguro ang masasabi ko na lang yung sinabayan niyong journey ni Sir Chief and Maya, na kahit wala na sila sa TV, kung ano iyung naiwan ng Be Careful With My Heart na good vibes and values and morals, hindi lang ng aming characters, kundi lahat ng buong show, sana yun ang i-carry on nila sa kanilang everyday lives."