• Home
  • Fresh Scoops
  • Amy Perez says hubby Carlo Castillo plans to adopt her son Adi

Amy Perez says hubby Carlo Castillo plans to adopt her son Adi

It's a happy Christmas for the TV host and her family.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2014 1:28 PM
Amy Perez says hubby Carlo Castillo plans to adopt her son Adi


112714-amy_main.jpgBlooming na blooming si Amy Perez ng ma-interview natin sa launching ng kanyang bagong endorsement, dito nai-kuwento ni Amy na matapos ang kanilang kasal ng asawa na si Carlo Castillo na eight years in the making, ang pag-adopt naman kay Adi na una niyang anak kay Brix Ferraris ang susunod na gagawin.
 
“Naka plano na lahat kay Carlo iyan ang next step will be for him is to adopt Adi. Maniwala kayo o sa hindi naka ready si Carlo sa lahat ng iyan inayos na niya lahat naka sitting pretty lang ako.”
 
Dahil dito, mas special ang Pasko sa pamilya ni Amy kaya kahit maliliit na details ng pasko, excited na siyang gawin.
 
“Mas special this time ang pasko kasi dati kapag naglalagay kami ng dedication sa cards --- Merry Christmas from Carlo Castillo, Amy Perez tapos pangalan ng mga boys. Ngayon pwede short na lang--- From the Castillos”
 
Naging makulay ang byahe ng love life at personal na buhay ni Amy kaya proud siyang ibinabahagi ito ngayon sa publiko para maging lesson.
 
“Iyun talaga ang lesson na I have to re-learn over and over na matagal na panahon and I am very happy naman na iyun ang nagging path ko kasi siguro kung hindi nagging ganito wala ako makikitang Carlo 'di ba? Parang sinadya siguro na ganun muna ang mangyayari medyo kumbaga sa kalsada eh maluwag pero after that naman mayroong rainbow after the rain.”
 
Marami rin daw ang mga touching na mensahe sa social media matapos niya ikasal at marami ang naka relate sa kanyang sitwasyon.
 
“Sobra ako natutuwa na after nangyari ang wedding at nag post na kami sa Instagram ang dami talaga nagsasabi na sobrang na inspire daw sila nagkaroon sila ng pag asa lalo na ang mga single moms, iyung mga hindi pa annulled na nasa ganito sitwasyon na may anak pero hindi pa kasal alam mo yun na nagkaroon sila ng pagasa na pwede pa rin pala at I try na sagutin sila sa instagram sinasabi ko talaga na have faith lang matinding pagdadasal at paghihintay. Matatawa ka nag effort talaga ako na mag practice ng pirma kasi may ganun pala, ngayon ko lahat siya nae enjoy, ngayon ko nararamdaman na ganito pala siya kasaya iyung pakiramdam. Mas naging close kami iyung feeling na legal ako ha, legal ako na asawa parang ganun.”