• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga says she doesn't want sister Toni to get married yet

Alex Gonzaga says she doesn't want sister Toni to get married yet

Alex says she still wants more bonding time with her ate.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/27/2014 7:51 PM
Alex Gonzaga says she doesn't want sister Toni to get married yet


PUSH-HEADLINE.pngMagkasama sa bago nilang endorsement ng isang fastfood chain ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Dito matagal nakipag kuwentuhan sa media ang magkapatid at nilinaw na rin ni Alex ang nasabi niya noon kung bakit ayaw niya pa mag asawa ang kanyang ate.

“Actually until now naman sinasabi ko sa kanya na huwag ka muna magpakasal pero ako ang hindi ko nasabi yata is payag ako kung magpapakasal siya basta kay direk Paul talaga kasi happy talaga ako for them and its about time dahil matanda na rin naman sila. If given a chance na ako ang pagdedecide-in nila huwag muna kasi gusto ko mag enjoy muna kami together kasi kakalipat lang naming doon sa newly renovated naming na house may connecting door ang room naming. Pero kung ano man ang decision niya nandito lang kami.”

Si Toni naman, ini-enjoy pa ang mga panahon ngayon na kasama ang kanyang mga magulang at kapatid na si Alex. Pero kung mangyayari daw ang kasalan, ready na siya.

“Ang babae naman kasi hindi siya ang nagpa plano ng pag aasawa nasa lalake naman iyan kung darating na ang time, darating. Hindi ako nagmamadali hindi ako naiinip hindi ako nade delay basta tama lang kasi masaya ako na kasama ko pa ang pamilya ko si Alex kasama ko pa sa bahay pero kung darating siya open din ako doon.”

Dito rin nai share ni Toni na nag-request siya kay Direk Paul na huwag muna mag-propose ngayong taon.

“Sinabi ko yan kay Paul noong nag start na iyung sunod sunod na proposals sa showbiz, sinabihan ko si Paul na huwag sasabay sa bandwagon ha, huwag muna andami pabayaan muna natin sila taon nila ito.”