Natanong si Vice kung ano ba ang aabangan ng mga manonood sa sequel ng kanyang box-office hit. “Una si Richard Yap, nakakatawa. Surprisingly tawang-tawa ako sa kanya. Niloloko ko nga siya eh, sabi ko natatakot ako kasi baka matapos yung pelikula na ito na mas nakakatawa ka sa akin ah, kasi nakakatawa siya na hindi ko inaasahan. Si Alex Gonzaga nandun pa na saksakan din ng kung anu-anu ang naiisip. Sabi ng direktor, meron kayong pelikula na kung anu-ano ang nangyayari sa script pero kapag magkakasama na kayo naiiba na kayong tatlo. Kung anu-ano na ang pinapasok namin sa mga eksena na naiiba na yung eksena pero hinahayaan lang ng direktor para masaya. May Bimby [Aquino-Yap] pa.”
Maliban sa sakit na kanyang iniinda, napakaraming ginagawa ni Vice Ganda, mula sa pagtapos ng kanyang pelikula, ang araw-araw niyang noontime show at ang kanyang programang Gandang Gabi Vice. Kaya naman nang matanong siya ng Push.com.ph kung paano niya nagagawa at nababalanse ang lahat ng ito, “Dinadaan ko na lang sa dasal na hindi mawala ang katinuan ng utak ko kasi minsan nakakabaliw din yung pagod, yung stress at pressure ng lahat pero hindi naman, mas nangingibabaw pa naman yung ineenjoy ko.”
At ang isang bagay na inamin ni Vice na inspirasyon niya para magpatuloy sa lahat ng ito. “Isa lang naman ang inspirasyon ko lagi, ayoko nang bumalik sa kahirapan. Mas gusto ko pa na mapagod sa trabaho kesa sa mapagod sa paghahanap ng trabaho na hindi makita.” (continued on next page)
May ilang mga balita ding kumalat na nagkabalikan sila ng kanyang dating nakarelasyon. Nang hingan ng reaksiyon si Vice tungkol sa sinasabing pagbabalikan nila, itinanggi nito ni Vice at simpleng sinagot ng, “Wala” ang katanungan.
Sa ngayon ay tila na kay Vice na ang lahat ng pinapangarap ng isang tao ngunit hindi na rin naiwasang tanungin si Vice kung may kalungkutan din ba dahil sa kakulangan sa aspeto ng pag-ibig. “Alam mo kahit hindi naman siguro ako artista o wala ako sa estadong ito, normal naman maging malungkot sa lahat ng tao, normal naman maging malungkot huwag lang masyadong matagal. Kailangan mas mahaba pa rin yung masaya ka kesa sa malungkot ka.”
Ayon pa kay Vice, hindi niya hinahayaang malungkot ng matagal, “Ay hindi ko hinahayaan na malungkot ako ng matagal kasi hindi ako makakapagpasaya kapag wala akong baon, wala kang maibibigay kung wala kang dala. Dapat masaya lang.”