PUSH EXCLUSIVE: Nash Aguas talks about his ‘first time’

Nash Aguas shares how he felt the first time he met Alexa Ilacad.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/26/2014 9:54 AM
PUSH EXCLUSIVE: Nash Aguas talks about his ‘first time’


112614-nash_main.jpgAs the star of the hit drama series Bagito, Nash Aguas share with Push.com.ph his most memorable “first” moments in show business.

First time on TV

“Sa Magandang Tanghali Bayan, sa segment nilang Batang F4 dati kasi sobrang sikat ng F4 nun. Nag-audition ako dun kasi sobrang idol ko si Dao Ming Si. Actually gusto ko lang talaga manalo nun sa contest and hindi ko ini-expect na aabot sa ganito yung simpleng pagsali dun sa contest.

First time to act

“Siguro nung sa Star Circle Quest. Every week kasi may task kami tapos every other week naman dance naman. Meron dung parang workshop na pinaarte kami. Actually hindi pa talaga ako umaarte nun. Ang nag-wo-workshop sa amin nun si Jean Garcia and tinakot niya po talaga kami (laughs). Eh sobrang fan ako ng Pangako Sa ‘Yo dati so natakot talaga ako sa kanya nun kasi kontrabida siya. Talagang naiyak ako. Hindi yung umaarte pero totoong naiyak ako (laughs).”

First time get star struck

“Kay Mr. Gary Valenciano. As in sobra hindi ko alam kung bakit nung nakita ko siya, kahit five years old pa lang ako. Kasi masi mahiyain ako nung bata hanggang ngayon pero hindi in-expect yung sarili ko na lumapit sa kanya. Sabi ko, ‘Sir Gary, fan na fan niyo po ako.’ Tapos pinapakita ko yung moves niya , nagmu-moonwalk ako yung Michael Jackson, ganyan  tapos tawa siya ng tawa sa akin, ganun.”

First time to have a celebrity crush

“Si Kristine Hermosa kasi nga nanunuod ako ng Pangako Sa 'Yo tapos nakasama ako dun sa Gulong ng Palad. Dun ko nalaman na hindi kami meant to be kasi ate ko siya dun (laughs).

First time to go abroad

“Nung nagpunta kami ng States dinalaw namin si Daddy nung 2005. First time ko rin yun na makaranas ng snow. Unforgettable sobra.”

112614-nash_main.jpgFirst time to be a lead actor in Bagito

Sobrang saya. As in nasa bucket list ko na yun eh kahit nung bata pa ako na magkaroon ng title role, ganun. Kasi hindi naman ako nabigyan ng ganun nung bata ako. At the same time pressure pala. Ngayon ko lang nalaman na nakaka-pressure pala kasi akala ko dati madali lang ang buhay pag bida ka, sobrang asikaso ka. Pero hindi, sobrang pressure kasi siyempre ang dami mong responsibility as an actor. Tapos parang nakasalalay sa iyo yung show. Sa nakita ko naman sa mga tao, dahil nagustuhan nila, natutuwa ako at thankful ako dahil inabangan nila kahit short notice.”

First time to meet Alexa Ilacad

Nung una ko siyang ma-meet sabi ko, 'Sobrang arte naman nito!' Sosyalera na hindi maintindihan kasi yun yung unang tingin ko. Tapos nung nakausap ko, ang jologs pala pag kasama (laughs). Ang daldal pa. Kung anu-anong mga sinasabi.”

First time to meet his fans

Sobrang gulat and tuwa, overwhelming yung feeling kasi nung first time ko ma-meet ulit sila after ko mag-stop sa showbiz, hindi ko in-expect yung naging support nila sa akin kahit wala akong show nun, kakabalik ko lang sa Goin' Bulilit and sa LUV U. Grabe talaga yung suporta nila. Nakaktuwa kasi hindi nila ako nakalimutan.”