• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on award critics: ‘Masakit din pagsalitaan ng ganun’

Kim Chiu on award critics: ‘Masakit din pagsalitaan ng ganun’

Kim Chiu admits she gets hurt when people accuse her of buying her award.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/27/2014 7:00 AM
Kim Chiu on award critics: ‘Masakit din pagsalitaan ng ganun’


112714-kim_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, naiyak si Kim Chiu nang mapag-usapan ang mga nag-aakusa sa kanya na binili niya ang award niya bilang best actress sa 28th PMPC Star Awards for Television. Hindi napigilan ni Kim na maluha at sinabi nito na nasasaktan rin siya. “Masakit din pagsalitaan ng ganun.” 

Kwento ni Kim, pinalakas ni Xian Lim ang loob niya at sinasabi ng aktor sa kanya na, “Hayaan mo na sila kasi at the end of the day nasa ’yo naman ang trophy.” Nag-tweet din noon si Kim at sinabi niya na kung nabibili ang award e sana noon pa siya bumili.

Kung paipiliin si Kim between Box Office success o isang award, ano kaya ang pipiliin niya? Ayon kay Kim, gusto niya iyong dalawa dahil importante ang recognition at masarap rin tangkilikin ng mga manunuod.


Nagpasalamat si Kim sa success ng pelikula niyang Past Tense dahil diumano patuloy itong dinudumog ng mga moviegoers. Hindi raw masyadong comedic ang Past Tense kasi ito ay “may pagka-drama at may kurot sa puso.”  

Sa tanong naman kung mas gusto ni Kim ang isang comedic or dramatic role, sinabi ni Kim na two years ago lang siya nagsimulang mag-comedy at aniya, “Medyo mahirap din, kasi di lahat ng tao mapapatawa mo.”


Todo suporta rin ang papa ni Kim na nag fly-in pa galing Cebu para manuod ng pelikula ni Kim. Kapag nasa Manila raw ang Papa niya ay nagda-dine out sila o kaya tumatambay ito sa bahay nila. Nagtatanong rin ito paminsan tungkol sa love life ni Kim.