Kwento ni Kim, pinalakas ni Xian Lim ang loob niya at sinasabi ng aktor sa kanya na, “Hayaan mo na sila kasi at the end of the day nasa ’yo naman ang trophy.” Nag-tweet din noon si Kim at sinabi niya na kung nabibili ang award e sana noon pa siya bumili.
Kung paipiliin si Kim between Box Office success o isang award, ano kaya ang pipiliin niya? Ayon kay Kim, gusto niya iyong dalawa dahil importante ang recognition at masarap rin tangkilikin ng mga manunuod.
Nagpasalamat si Kim sa success ng pelikula niyang Past Tense dahil diumano patuloy itong dinudumog ng mga moviegoers. Hindi raw masyadong comedic ang Past Tense kasi ito ay “may pagka-drama at may kurot sa puso.”
Sa tanong naman kung mas gusto ni Kim ang isang comedic or dramatic role, sinabi ni Kim na two years ago lang siya nagsimulang mag-comedy at aniya, “Medyo mahirap din, kasi di lahat ng tao mapapatawa mo.”
Todo suporta rin ang papa ni Kim na nag fly-in pa galing Cebu para manuod ng pelikula ni Kim. Kapag nasa Manila raw ang Papa niya ay nagda-dine out sila o kaya tumatambay ito sa bahay nila. Nagtatanong rin ito paminsan tungkol sa love life ni Kim.