• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin on Kris Aquino: ‘Napakarami kong natutunan sa kanya

Coco Martin on Kris Aquino: ‘Napakarami kong natutunan sa kanya

Coco Martin says that Kris Aquino gives him a lot of support and advice.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/26/2014 10:07 AM
Coco Martin on Kris Aquino: ‘Napakarami kong natutunan sa kanya


112614-coco1_main.jpgSa muling pagkapanalo ni Coco Martin sa katatapos nga 28th PMPC Star Awards noong Linggo bilang Best Drama Actor para sa serye niyang Ikaw Lamang, ibinahagi niya ang kanyang nararamdaman. “Nakakataba ng puso kasi sobrang pinaghirapan po talaga namin yung ginawa namin.”

Dagdag pa ni Coco kinakabahan pa rin siya sa tuwing tatanggap siya ng parangal sa kanyang pag-arte kahit namarami na siyang nakuhang pagkilala sa pagiging magaling na actor, “Opo, lagi naman. Sabi ko nga, ito yung bunga ng lahat ng pagod naman sa isang taon.”

Sa ngayon ay nakatuon ang buong atensyon ni Coco sa pagtapos ng pelikula nila ni Kris Aquino Feng Shui 2 para sa Metro Manila Film Festival at nang kamustahin siya dito, “Maganda lalo na nag-dub na ako… ng trailer namin. Nakakatuwa kasi first time naming makatrabaho si Direk Chito (Roño) tapos ngayon nagkatrabaho kami ni Ate Kris sa movie. Nakakatuwa kasi yung suporta na binibigay nila sa akin.”

Ayon kay Coco, isang masayang karanasan ang makatrabaho ang Queen Of All Media sa isang pelikula. Aniya, “Masaya, nakakatuwa kasi maraming magagandang advice ang itinuturo niya sa akin lalung-lalo na sa business, sa personal na buhay, napakarami kong natutunan sa kanya.” 

Aminado din si Coco na may kaunting pagbabago sa kung paano niya ipagdiriwang ang Pasko ngayong taon dahil sa pagiging abala sa kanilang pelikula. “Oo actually pagakatapos na pagkatapos kp mag-taping ng soap opera na Ikaw Lamang tumalon ako sa shooting pero masaya kasi para sa kain blessing naman ang lahat ng ito.” (continued on next page)

112614-coco1_main.jpgNgunit wala man masayadong pahinga at dire-diretso ang pagsabak sa trabaho, masaya si Coco sa lahat ng nangyayari sa kanya. “Sabi ko naman ito naman talaga yung ginusto ko kasi sabi ko nga napakatagal din naman ng panahon na naghintay ako, naranasan ko na matagal na walang trabaho. Kaya ang mga ganito, yung mga blessing na dumarating sa akin ayaw ko na po palamapasin.” 

Hindi rin naman itinago ni Coco sa pressure na kanyang nararamdaman sa kanyang pinakabagong pelikula lalo pa at ang orihinal na Feng Shui ay tumabo ng napakalaki sa takilya. “Siyempre hindi naman po maalis sa amin yun. Kaya ko nirequest kay Ate Kris at hindi ako nakapagpigil sa kanya kasi sabi ko nga hindi ko makakalimutan nung pinanood ko yung Feng Shui 1 kung gaano siya kaganda kaya sabi ko sa kanya nung nagkita kami, sabi ko, ‘Ate Kris, gawin naman natin yung Feng Shui 2, then kinausap niya si Direk Chito kaya natupad itong pangarap kong gawing pelikula at Feng Shui pa.” 

Sa pagkapanalo niya bilang Pinakamahusay na Aktor para sa serye niyang Ikaw Lamang, hinhangad din niya bang masungkit ang Best Actor sa MMFF para sa Feng Shui 2? “Hindi, hindi naman. Actually hindi ko na naiisip yun, iniisip ko na lang na every time na nananalo ako bonus na lang yun.”