TV host, nagpakita ng pwet!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/25/2014 2:11 PM
TV host, nagpakita ng pwet!


112514-ogie_main.jpgHulaan nyo kung sino itong makulit na TV host na gumawa ng eksena sa isang pictorial last Monday. 

Actually, habang ginaganap ang pictorial ng isang bagong teleserye sa isang studio ay nasa kabilang studio naman ang TV host na ito at nagte-taping ng hino-host nitong search. 

Pumasyal sa pictorial ang TV host kung saan naabutan nitong ang solong kinukunan ay ang kaibigan niyang bading na kasama sa naturang teleserye. Pinanood ng TV host ang kaibigan habang nakasalang sa pictorial.
Nag-e-emote-emote sa harap ng photographer ang naturang bading. Nandiyang sumigaw ang photographer ng, "Smile!" At smile naman ang bading. 

"Tingin sa kanan sa itaas," na ginagawa naman ng bading, hanggang sa mag-instruct ang photographer ng, "Serious naman."

Nag-seryoso naman ang mukha ng bading, pero bumunghalit ng tawa at nag-excuse!
Paano ba naman kasi, yung pumasyal sa pictorial na TV host ay biglang tumalikod at ibinaba ang pants at ipinakita ang kanyang pwet sa bading!

Hahahahaha!

"Na-miss mo 'yon, no?" say ng guwapong TV host sa bading, "Oo nga, bigla kong na-miss yan."
Eh, paano ba naman kasi, nung magkasama sa isang talk show ang dalawang ito ay ginugulat palagi ni TV host ang bading sa pamamagitan ng pagpapakita nito ng pwet na in fairness, flawless namang tunay! 

Hahahaha! 

Pero hanggang du'n lang yon, dahil kung magturingan ang dalawa ay parang mag-ina talaga.

Kapag hindi nyo pa 'yan nahulaan, ewan ko na lang, ha? Ang malas n'yo. Pero pag nahulaan n'yo ang young TV host ay nako naman, ang swerte-swerte n'yo. 

Eh sino naman ang bading na TV host na madalas ding makita sa teleserye?

I'm sure, hindi na kayo mapapa-Oh, my G! Hahahahaha!