Pops Fernandez reveals she still believes in marriage

The Concert Queen however says she was traumatized with her break up with Martin Nievera.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2014 3:27 PM
Pops Fernandez reveals she still believes in marriage


112514-pops_main.jpgHanggang ngayon ay marami pa ring fans ang umaasang magkakabalikan ang estranged couple na sina Martin Nievera at Pops Fernandez. 

Aware si Pops na gustuhin man ng kanilang fans na maging sila ulit ng ex-husband, malabo na raw itong mangyari. Inamin din niyang nagkaroon siya ng trauma sa pagpapakasal niya kay Martin at sa pagkaka-annul nito.

“Sometimes I’m traumatized because I get scared,” say ng Concert Queen.  “Kasi may pressure... Pero malay din natin, ‘di ba,” ang tila naguguluhan niyang pahayag.

Eh how about getting married again, kino-consider ba niya ito in the future?

Naku, depende talaga. Alam n’yo pag nasa wedding ako ng iba, parang gusto ko na ulit... Parang ang sarap ulit. But then, the next day, parang hindi na ulit,” natatawa niyang sagot.

Eh, what if meron talagang lalaking dumating na seseryosohin siya, mamahalin at handang pakasalan?

“Kung may darating. Ha-ha-ha! Eh, paano kung wala?” natatawa niyang sagot.

“If a guy will come into my life na alam kong he would love me unconditionally, siyempre mapapaisip din akong mabuti  do’n. But right now, wala eh... wala pa,” she said.

Naniniwala pa rin ba siya sa kasal?

“I still believe in marriage, oo naman! Please don’t get me wrong. Like I said, if there’s someone who is really, really serious, who I know will really take care of me, malay natin ‘di ba?

Kasi for me, sa ngayon ha, it’s a commitment that matters, eh.  Sometimes nga, the commitment is more binding kasi walang pressure,” paliwanag pa ng Concert Queen.

Aminado rin si Pops na nami-miss niya ang pagkanta at ang pagkakaroon ng musical show sa telebisyon. Pero masaya naman daw siya na natutunan niyang mag-produce ng concert na siyang pinagkaaabaahan niya ngayon.

Ang Penthouse Live... The Reunion ay gaganapin sa Dec. 12 sa PICC Plenary Hall.