• Home
  • Fresh Scoops
  • Grae Fernandez wants to make it big in showbiz like dad Mark Anthony

Grae Fernandez wants to make it big in showbiz like dad Mark Anthony

Grae also shares what his dad advises him to succeed in his chosen career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2014 9:11 AM
Grae Fernandez wants to make it big in showbiz like dad Mark Anthony


112514-Grea_main.jpgMatagal na palang gustong mag-showbiz ni Grace Cameron Fernandez na kilala as Grae na isa sa members ng grupong Gimme 5 at anak ng magaling na aktor na si Mark Anthony Fernandez. 
 
Nung batang-bata pa po ako talaga, palagi kong nakikita si dad sa TV kaya parang nagiging inspirasyon ko siya... Mga two years ago po, 11 years old po ako nu’ng nag-decide talaga ako na gustong-gusto ko na talaga. Nu’ng una po, parang steady-steady lang muna hanggang dumating po itong Gimme 5,” simulang kuwento ni Grae nang makausap siya ng PUSH.com.ph after the press launch ng kanilang first self-titled album from Star Records.
 
Grae is now in Grade 7 or first year high school at nag-aaral siya sa isang home study program ng DECS. Aminado ang binatilyo na may kondisyon ang daddy niya sa pagpasok niya sa showbiz.
 
Sabi po ni daddy, dapat ayusin ko raw po yung priorities ko. Dapat on time din daw ko po when I pass my requirements sa school. Ako naman po, mina-manage ko rin yung time ko, kapag wala po talagang project o pag maaga ako na-pack-up at nakauwe do’n po ako nag-a-answer, tapos ipapasa ko,” kuwento ni Grae.
 
Pagdating sa acting, idol din ni Grae ang daddy niya at may advise din daw ito sa kanya.
 
Magaling po talaga si daddy. Pero sabi po niya sa akin, natural lang daw po dapat. Huwag ko din daw po masyadong isipin ang role ko. Tapos I need to put myself din daw po don sa character. At dahil baguhan lang po ako, I know na madami pa po akong rice na kakainin.”
 
Wish din ni Grae na sa tamang panahon ay mabigyan din siya ng malaking break sa telebisyon gaya ng daddy niya at ng isa pang idol niyang si John Lloyd Cruz.
 
“Hindi naman po ako nagmamadali. I know it’s gonna come in the right time basta magtrabaho lang po ako nang maayos,” comment pa niya.
 
Ini-reveal din ni Grace na he has a big crush on Liza Soberano na bida at kapartner ni Enrique Gil sa teleseryeng Forevermore.
 
“Big crush ko po talaga si Liza. Nagagandahan po talaga ako sa kanya,” pag-amin ng bagets.
 
Eh, bata pa naman si Liza kaya malaki ang chance na maging magkatrabaho pa sila in the future.
 
Naku, sana nga po magkaroon ng chance. Iba po kasi ang beauty niya. Parang ang bait-bait niya,” papuri pa niya sa dalaga.
 
Ang iba pang kasamahan ni Grae sa Gimme 5 na equally talented din ay sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza at ang lead star ng seryeng Bagito na si Nash Aguas.
 
Nasa tracklist ng kanilang all-original pop-rock album ang mga kantang "Pag Kasama Ka," "Aking Prinsesa," "Hey Girl," "Growing Up," "Ikaw Na Na Na" at ang carrier single na "Hatid Sundo." Available na ang album sa record bars nationwide.