• Home
  • Fresh Scoops
  • Gov. Vilma Santos says she already wants to have grandchildren

Gov. Vilma Santos says she already wants to have grandchildren

The Star For All season also admits she misses showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2014 9:04 AM
Gov. Vilma Santos says she already wants to have grandchildren


112514-Vilma_main.jpgPagkalipas ng ilang buwan, muling humarap sa entertainment press si Gov. Vilma Santos para sa presscon ng annual event sa Batangas na Ala Eh Festival na ngayon ay nasa 7th year na. Ang Ala Eh Festival ay magiging bahagi ng selebrasyon ng 433rd founding anniversary ng Batangas.
 
Bago ang presscon, laking gulat ng aktres sa surprise post birthday party na inihandog sa kanya ng Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde. Ang lady producer pa ang tumugtog ng piano habang kinakantahan naman si Ate Vi ng entertainment press ng "Happy Birthday."
 112514-Vilma2_main.jpg
Ayon kay Mother Lily, na isa nang certified Taaleno, mahal na mahal niya si Ate Vi. “She knows how much I love her, ang Taal and the entire province of Batangas. I am proud to be the mother of the “mother of Batangas.”
 
Naikuwento naman ni Gov. Vi na na-miss niya ang showbiz.
 
Nami-miss ko na ang showbiz talaga. Alam n’yo naman siguro kung bakit ako pansamantalang nawala… Pero gusto ko nang mag-shooting. May movie kami ni Angel (Locsin) and dapat nga nag-test shot kami ngayong November but unfortunately nga humina ’yung resistensiya ko,” she said.
 
Matatandaang nagkaroon ng nose infection si Gov. Vi at namatay din ang isa sa malalapit sa kanya na si Tita Aida Fandalian na labis niyang ikinalungkot.
 
“December naman is so busy, pero inaayos na namin, siguro start kami ng shooting ng January next year. Tapos may summer break ako as governor, so baka tulad  ng ginawa ko nung In My Life, baka hingin ko ’yung break para matuluy-tuloy ko ’yung shooting para sa movie namin,” dagdag na kuwento ng Star For All Seasons tungkol sa gagawin niyang pelikula.
 
Hindi naman maiiwasang itanong kay Ate Vi kung totoo ang balitang excited na siyang magkaroon ng apo kina Luis Manzano at Angel Locsin. Ayon sa kanya, totoo raw na gusto na niyang makita ang baby ng magkasintahan.
 
“Noong araw, medyo ayaw-ayaw ko pa pero ngayon, parang gusto ko na. Kasi si Lucky is 32, kung sila man ni Angel, nasa tamang edad na rin si Gel. Kaya pag nagdi-dinner kami, lagi kong sinasabi, ‘anak, sige na, gusto ko nang makakita ng baby.’ But at the end of the day, nasa kanila naman ‘yon, eh. Kung pagpapalain at meron na at sana’y matuloy, definitely nae-excite ako.”
 
Samantala, proud si Gov. Vi sa kanyang lalawigan dahil madalas daw magsyuting at mag-taping don ang mga teleserye tulad ng Be Careful With My Heart. Inimbitahan din niya ang mga tourista na makisaya sa kanilang Ala Eh Festival na magsisimula sa Dec. 1 at magtatapos sa Dec. 8.