• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee talks about his friendship with Gerald Anderson, Rayver Cruz, Xian Lim, and Enrique Gil

Enchong Dee talks about his friendship with Gerald Anderson, Rayver Cruz, Xian Lim, and Enrique Gil

Enchong Dee admits that he never thought that the five of them would establish the closeness in their friendship like what they have now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/25/2014 9:42 AM
Enchong Dee talks about his friendship with Gerald Anderson, Rayver Cruz, Xian Lim, and Enrique Gil


112514-enchong_main.jpgNakapanayam ng Push si Enchong Dee na katatapos lang ang birthday. “Ang birthday ko kasi sabi ko, last year nagpaparty ako ganyan, tapos napapagod ako after, ngayon I just want an intimate quiet celebration, so yung mga celebration ko actually hindi planado. Gusto ko dinner lang with family, dinner lang with Tito Keren (Pascual) pero everything parang dumadami, parang may biglang dumadaming mga tao ganyan, parang ending semi-malaki din yung celebration.” 

Ayon kay Enchong pinili niya ang ganung klaseng selebrasyon dahil mas nais niyang makapagpahinga sa kanyang kaarawan matapos ang kanyang concert tour sa ibang bansa. “Nakakapagod kasi kapag may malaki kang party parang kailangan mong puntahan yung mga table, kailangan mong entertain-in lahat. Ito gusto ko dahil kakagaling ko nga lang ng tour, there is no time to prepare din, relax lang.”

Isa sa mga pinagkakaabalahan ni Enchong ngayon ang promotion ng klanyang music album at tila maganda ang pagtanggap ng kanyang mga tagahanga dito. Nagnu-number one pa sa ilang radio stations ang kanyang carrier single na “Chinito Problems.” “Hindi ko inexpect pero klinaim ko siya na mangyayari siya kasi sabi ko katulad nga ng sinabi ko sa album, I am not trying to be a really great singer but I am trying to be a good performer and dun sa mga kanta na napili ko, binase ko lang din dun sa kakayahan ko pero siyempre eventually hopefully, gagaling at gagaling din.” 

Dahil sa tagumpay ng kanyang unang proyekto bilang isang recording artist, ibinahagi ni Enchong ang plano niyang concert. “Kagagaling lang sa tour and we are planning na sana yung concert, na mangyari and hoping pa lang ako sa part na yun kasi matrabaho yun eh, hindi siya basta-basta kapag ginawa mo yung concert, you really want to give them a good show.” Ibinahagi din ng pinakabagong recording artist kung saan niya nais magkaroon ng concert. “Music Museum lang if ever. Next year na siguro yun, early next year.”
112514-enchong_main.jpgIsa din sa napag-usapan ang kapansin-pansing closeness nina Enchong sa kasama niya sa tour na sina Gerald Anderson, Rayver Cruz, Xian Lim, at Enrique Gil na nakikita sa kani-kanilang mga social media accounts. Pagbabahagi ni Enchong, “Actually itong tour na ito, itong recent tour na ito, this is the closest naming lima na parang nagulat din kami kasi kahit na sa sobrang pagod namin, delay-delay mga flights namin, natutulog kami sa tabi ng CR sa airport, pero masaya, nag-enjoy kami.” 

Sinusubukan din ng bagong magbabarkada na ituloy ang kanilang mga naging bonding sa kanilang tour dito sa Pilipinas. Kwento ni Enchong, “Oo, we are trying but of course yung apat may sari-sariling schedule actually. We just want to support each other like yung ‘Forevermor ni Enrique Gil nung nag-pilot dito, support kami. Tapos ngayong magpe-premiere yung Past Tense ni Xian, support kami, so ganun lang naman.” 

Aminado din si Enchong na hindi niya akalaing magiging ganito sila kalapit sa isa’t isa. “Actually hindi talaga. Nung first tour naming actually ico-consider ko na acquainted lang kami nina Rayver at Gerald, but after that diba? So we are happy.”