• Home
  • Fresh Scoops
  • Miriam Quiambao gives pointers to Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa

Miriam Quiambao gives pointers to Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/24/2014 12:17 AM
Miriam Quiambao gives pointers to Bb. Pilipinas Universe MJ Lastimosa


112314-mirriam_main.jpgDahil holiday season na, kaliwa’t kanan na ang mga sale at tiangge sa iba ibang lugar sa Metro Manila. At para mas maka attract ng mas marami customers, mga celebrity tinderas ng tiangge ang nagiging magnet ng mga holiday bazaars. Isa na dyan ang 1999 Miss Universe First Runner Up na si Miriam Quiambao na ito ang pinagkaka abalahan ngayon.

I’m going to be a part of the Circuit Makati Bazaar happening on November 28 to 30 dito lang po sa New Ayala Circuit Grounds dito sa Makati at ang mga ibebenta ko po dyan ay ang mga pre-loved items ko that would be shoes, clothes and bags. Bukod doon ititinda ko rin ang aking book. That’s Miriam Quiambao’s Closet.”

At dahil familiar na siya sa pinagdadaanan ng isang beauty queen at kung gaano kalaki ang attention na nakukuha nito sa pinoy audience, nagbigay pointers si Miriam sa current Miss Universe Philippines na si Mary Jean Lastimosa.

“Ang attitude nya dapat ngayon pa lang winner na ang attitude na ipapakita niya. Nagdaan ka sigurado sa maraming trainings, isapuso mo ang lahat ng natutunan mo dahil magagamit mo yan pagdating sa pageant. Pero ang mas importante isipin mo na kung ano ang magiging purpose mo kapag ikaw ay nanalo sapagkat kapag ikaw ay nanalo for one whole year mayroon ka gagawin hindi lang para sa Bb. Pilipinas makakapag inspire ka ng maraming taoat higit sa lahat pwede mo gawin platform yan para makatulong sa ibang tao. Isipin mo na ang panalo ay makakatulong sa maraming tao for the greater glory of God.”

Sa mga bashers na favorite ngayon si MJ, ito naman ang say ni Miriam.

“Hindi sila dapat pinapansin, positivity dapat ang vibes natin palagi. Lets focus more on what is positive and what is good rather than on what is negative dahil para mas happy tayo lahat at instead na mag bash mag tulungan na lang”

Planado na rin ni Miriam ang holiday season na magiging very memorable para sa kanya.

“Nandito lang ako sa Pasko dahil ang kapatid ko nan aka based na sa Sydney uuwi siya kasama ng family niya. Masaya na magkakasama na naman kami as family at masaya ako kasi first Christmas ko kasama ang aking husband ko na si Ardy at ang aming anak kaya excited dahil kumpleto ang kaligayahan ngayong pasko.”