• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid says he has no plans of managing Regine Velasquez' career

Ogie Alcasid says he has no plans of managing Regine Velasquez' career

With his new job as a talent manager, Ogie says he's hands off when it comes to his wife's career.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/22/2014 8:01 AM
Ogie Alcasid says he has no plans of managing Regine Velasquez' career


112214-ogieA1_main.jpg
Bukod sa pagiging established singer, songwriter and actor, pinasok na rin ni Ogie Alcasid ang pagiging talent manager. Nagtayo siya kasama ng ibang mga kaibigan ng agency na tinawag niyang Alcasid Total Entertainment Artist Management.
 
Tatlo na ang artists na mina-manage ngayon ni Ogie. Sila ay sina Lara Maigue na isang singer-songwriter, ang QYork duo at ang  matagal na ring komedyante na si Empoy.
 
Ima-manage na rin ba niya ang asawang si Regine Velasquez ngayong manager na rin siya?
 
“Hindi puwede,” sagot agad ni Ogie.
 
“Hindi naman kasi siya songwriter. Yes, singer siya pero mahirap kasing sabihan ang asawa mo kung ano ang dapat gawin,” dagdag pa niya. 
 
“At saka may manager naman ang asawa ko, ang kapatid niyang si Cacai Velasquez,” sabi ulit niya.
 
Ayon pa kay Ogie, pagdating daw sa kani-kanilang career ay wala silang pakialamanan ng asawa. “Hindi ko pinakikialaman ang career niya at ganu’n din naman siya sa akin. Basta, hiwalay ang trabaho namin at pareho kaming may respeto sa sia’t isa pagdating sa ganu’ng bagay,” pahayag pa niya.
 
Nilinaw din ni Ogie na hindi siya hihinto sa pag-aartista kahit ganap na siyang talent manager. 
 
“Wala kaming kakainin kapag huminto ako. Hindi naman ganu’n ang mangyayari. Tuloy pa rin ako sa mga ginagawa ko,” he said.
 
Kahit matagal pa ang kontrata ni Ogie sa TV5 ay tinanong na agad siya kung balak ba niyang lumipat ng ibang TV network after it expires. 
 
At ang sabi niya,  “Naku, matagal pa ko diyan. Balak ko na gawin ang lahat para matulungan ang boss ko (Manny V. Panglinan) na napakabait at napaka-sympathetic sa mga artists.”

Ipinagpapasalamat din daw niya na maraming trabahong ibinibigay sa kanya ang TV5.
 
 “Hindi naman sila mahigpit sa akin. Kita n’yo nga, nagagawa ko pa ngayon yung ganitong bagay (pagma-manage). Hindi rin  sila nagkukulang sa akin sa pagbibigay ng trabaho. Kaya lang, talagang napakaliit pa ng market ng TV5. Talagang ang liit-liit, except for basketball,” pag-amin pa niya.
  
Going back sa kanyang artista, nakatrabaho na pala niya ang mga ito kaya siya nagkainteres na i-manage sila.
 
“Meron akong emotional investment sa kanila. Parang naging tatay nila ako o kuya, ganu’n.  Mahirap na rin kasi for them na maghanap ng manager kasi ngayon, puro artista ang mina-manage. Bihira na talaga yung nagma-manage ngayon ng singer. .. Si Empoy naman kinuha ko kasi linya ko rin naman ang comedy,” paliwanag pa niya.
 
Para sa fans ni Ogie, may concert siya sa Nov. 29 sa Solaire Hotel titled Ogie Alcasid In TBT (Total Balik Tugtugan) na ang team din niya ang nag-produce.