Eric Quizon supports COPD awareness campaign

Eric Quizon wants to raise awareness of COPD, which his dad Dolphy had.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/22/2014 11:56 PM
Eric Quizon supports COPD awareness campaign


112214-eric_main.jpgSa ika-12th na taon ng campaign para sa awareness sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Desease o COPD, ang actor/director na si Eric Quizon ang isa sa mga naging guest speakers sa isang event na naganap sa isang hotel sa Makati. Ang COPD kasi ang naging sakit ng ama ni Eric, ang King of Comedy na si Dolphy na siyang ikinamatay nito noong 2012.
 
I’m here because my dad died of COPD and since my dad died and a lot of people are not aware of the disease, kumbaga taken for granted, simple cough pahinga lang yan and then okay na hindi nila alam na may COPD na sila. I guess with this advocacy and campaign it gives us awareness on what COPD is all about.”
 
Sa interview ng Push.com.ph kay Eric, nagbigay ito ng update na magkakaroon ng auction para sa properties na naiwan ni Mang Dolphy. Kasama na rin dito ang paglilinaw na hindi kasama sa ibebenta ang bahay sa Marina kung saan tumira noon si Mang Dolphy at ZsaZsa Padilla.
 
The house is still there. We are going to have an auction of RVQ estates, properties na naipundar ni dad pero the Marina property is not part of the auction. Nandiyan pa rin ang bahay and ZsaZsa’s things are still there. The reason why we are having an auction kasi iyon yung somehow may value ito ang makaka-generate ng funds para makapag patayo kami ng museum para kay dad. Mostly out of Metro Manila, yung property sa Batangas, Laguna, Cavite, Antipolo, and other parts of Rizal, Bulacan, and Samar.”

At sa mga nagbibigay intriga at kulay sa bagong kaligayahan ng personal life ni ZsaZsa, sinabi ni Eric na masaya sila para sa Divine Diva nan aka move on na at nakakita muli ng inspirasyon.
 
We are all happy for her I guess binibigyan lang ng kulay kasi nga parang naka move on na siya ano pero we all have to move on at some point and we are all happy that ZsaZsa is now happy. She has sacrificed a lot when my Dad was first diagnosed with COPD. ZsaZsa was the first one to know at siya talaga ang nandoon na nag alaga sa daddy ko so lahat ng pain lahat ng hirap pinagdaanan ni ZsaZsa.”