• Home
  • Fresh Scoops
  • Back to back youth achievement recognitions, igagawad sa Kathniel!

Back to back youth achievement recognitions, igagawad sa Kathniel!

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

11/22/2014 10:53 PM
Back to back youth achievement recognitions, igagawad sa Kathniel!


112314-kathniel_main.jpgI was really looking forward sa gabi ng birthday celebration ni Queen Mother Karla Estrada, na ginanap Friday night sa isang hotel sa Quezon City. Dumating ako sa party with Direk Rory Quintos, Star Cinema's Roxy Liquigan & Mico Del Rosario, and our dearest ABS-CBN President and CEO Ma'am Charo Santos-Concio.

Bongga. Pinaghandaan. Engrande. Ilan lang yan sa words na nagamit ko that night to describe the party. Kinarir talaga. Kumpleto ang party mula sa program, VTRs, table assignments for the guests, and bigating performers. Nakakatuwa na nakaka-touch ang gabing ito, dahil para sa mga hindi nakakaalam, ito ang kauna-unahang, pang-mayamang party ni Queen Mother mula pa ng pagkabata niya. Learning about all her struggles in life, sa pagpapalaki sa kanyang apat na anak, super deserving siya para sa ganitong blessing at selebrasyon. Present syempre sa party ang kanyang buong pamilya, pati na ang mga Padillas, at ang kanyang non-showbiz boyfriend ngayon na napanood na nating lumabas sa Kris TV.

One thing na talagang napansin ko kapag may pa-party si Karla, kahit pa birthday ng anak niyang si Daniel Padilla, hindi ito showbiz. Kahit pa sabihing ang preparasyon ay pang-TV ang level, ang feeling sa venue ay very pamilya. Dahil pawang mga malalapit na kaibigan at pamilya lang talaga ang present. Lahat alam mong may relasyon sa kanila.

Aside from Karla's pasabog na song numbers, ang isa sa pinakamalaking sorpresa nung gabing iyon ay ang regalo ni Kuya German Moreno sa ating birthday celebrator. Nagkwento si Kuya Germs tungkol sa humble beginnings ni Karla, at maging sa naging parte niya sa buhay nito at ni Daniel. Ayon kay Kuya Germs, noong bata pa si DJ, tuwing dadalawin siya nito sa tambayan niya sa Greenhills ay lagi niya itong inaabutan ng pakimkim, dahil inaanak niya ang Teen King. Nakakatouch dahil tinawag niya on stage si DJ at tulad ng dati, inabutan niya ito ng P1,000. Pero ang ultimate sorpresa nga na regalo ng Master Showman sa birthday girl, ay ang parangal daw na ibibigay niya for the first time this Sunday, sa PMPC Stars Awards for TV 2014, para kina Daniel at Kathryn Bernardo. Bilang pagkilala sa kanilang achievements at magandang ehemplong ibinibigay sa mga kabataan ngayon.

Bukod dyan, sinabi rin ni Kuya Germs na ang KathNiel ang kauna-unahang teens na ilalagay niya sa kanyang Walk Of Fame sa Eastwood, sa darating na December 1. Syempre tuwang tuwa ang Queen Mother, dahil alam naman natin na more than anything material, basta't para sa kanyang mga anak, todong happiness na ang dulot sa kanya.

Muli, happy birthday Mareng Queen Mother. I am so happy for all the blessings na dumadating sa buhay niyo ngayon, YOU DESERVE all the best in life dahil napakabuti mong tao at ina. 

PS: Ang na-sad lang ako, hindi ako nakapagpa-picture kay DJ. Hehehe. Si Kathryn ay humabol din sa party, at syempre kaagad siyang sinalubong ni DJ.