Ara Mina and Mayor Patrick Meneses want four more kids

The couple also revealed that they are talking about marriage.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/21/2014 2:31 PM
Ara Mina and Mayor Patrick Meneses want four more kids


112114-ara_main.jpgBlooming na blooming at laging naka smile si Ara Mina sa naganap na baby shower para sa kanya sa isang restaurant sa Taguig. Expected na kasing manganak si Aras a una o ikalawang linggo ng December kayat excited na sila ng kanyang partner, ang Bulacan Mayor na si Patrick Meneses.

May napili na daw silang pangalan sa baby girl nila pero maari pa rin daw ito mapalitan.

“For now Amanda ang napili naming na name. Wala naman pinagkuhanan maganda kasi ang meaning ng name na iyan eh parang about love, work of love, loveable, ayun.”

Si Patrick naman, mas excited sa paglabas ng kanilang baby at napag uusapan na rin daw ang kasalan.

“Full support talaga naman I’m very very excited actually kung kailan talaga lalabas, 1000 percent na support. Siyempre we are talking about these things (settling down) na rin. We are talking about it na.”

Kuwento naman ni Ara, makukumpleto na ang gamit ng kanilang baby at limang anak ang plano nila magkaroon sa kanilang pamilya.

“Siya ang madalas mag search sa internet ng mga gamit ng baby like stroller, inaalam niya ang specs mga ganun ang tiyaga sa mga cribs, ang tiyaga niya mag search. Kasi ang plan namin kung ano ang mabibili namin iyun na rin ang gagamitin sa second baby kasi plano niya agad sundan.”

Mas makulay ang darating na pasko para kay Ara at ito na daw siguro ang pinaka masaya.

“Lahat naman ng kakilala ko and family ko mas excited kasi long overdue na nga daw ito di ba dapat noon pa kaya lahat sila excited. Best Christmas gift at best Christmas din sa akin kasi I have my own family na and syempre pagdating naman sa pages settle down darating din tayo dyan pero sa ngayon itong baby muna ang priority.”