• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco says that he is not rushing things with Alex Gonzaga

Joseph Marco says that he is not rushing things with Alex Gonzaga

Joseph Marco admits he has a growing fondness for Alex Gonzaga but says that there is no need to rush into a relationship.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/20/2014 9:30 AM
Joseph Marco says that he is not rushing things with Alex Gonzaga


112014-joseph_main.jpgSa eksklusibong panayam ng Push kay Joseph Marco, aminado ang actor na hindi inakala ang sunud-sunod na proyekto. “Well of course I am very overwhelmed and really, really thankful and blessed. I never stopped thanking God and everyone sa lahat ng nagbibigay sa akin which I am really, really grateful. Every time, everyday, lalo akong ginaganahan magtrabaho.” 

Sa matagumpay na pagtatapos ng seryeng Pure Love, ikwinento ni Joseph na malungkot man na kinailangan nilang magtapos, masaya naman siya sa naging pagtanggap ng tao sa programa at sa kanyang karakter. “Well of course masaya siya na malungkot kasi masaya to the point na hindi namin ineexpect na ganito kami tatanggapin ng mga tao na grabe, sobrang naging successful yung show. Like kapag lumalabas ako ang daming nakakakilala sa akin na tumatawag sa akin by my character na Sir Dave, alam mo yun, lahat ng paghihirap namin it is so worth it kasi ang dami din naming napapaligayang tao and its sad na it [ended].” 

Kinumpirma nga ni Joseph na kabilang siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Pasion De Amor remake ng isang Colombian teleserye. “I am going to work with Ejay Falcon, Jake Cuenca, Coleen Garcia, and Arci Muñoz and marami pang iba.” Makakatamabal niya dito si Coleen at sa bagong tambalan nilang dalawa, lalo pa at ang lakas ng tamabalan nila ni Alex, nagsalita din si Joseph tungkol dito. “Of course kailangan maging careful kahit na may boyfriend o walang boyfriend parang ang sa amin lang madeliver lang naming yung chemistry naming kahit na may boyfriend siya.” Ang tinutukoy ni Joseph ay si Billy Crawford na karelasyon ng kanyang katambal na si Coleen.

Aminado si Joseph sa lahat ng kanyang panayam na malaki ang paghanga niya kay Alex at ngayong may kanya-kanya na silang mga proyekto, tila siniguro naman ni Joseph na walang magbabago sa pagiging malapit nila sa isa’t isa. “Well, right now parang naging close na kami ni Alex. Sobrang saya niya lang kasi kausap, I am really fond of her and I find her, habang tumatagal I really find her cute.” At sa tanong na kung may plano ba siyang tuluyan nang ligawan ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga, “Sabi ko nga I respect Alex so much and she is the type of girl na dapat respetuhin kaya naman if I am going to pursue something I want to make sure ako sa nararamdaman ko. Right now, hindi naman kailangang madaliin, we can wait.” 

Nagbigay din siya ng reaksiyon nang tanungin ng Push si Joseph sa laging sinasabi ni Alex na hindi pa siya handang sumabak sa relasyon. “I think same kami. Hindi dapat minamadali ang love and parang in God’s time darating yun eh.”

Ngunit hindi na naitago pa ni Joseph nang aminin nito na natutuwa siya sa impluwensiya ng kanilang mga tagahanga ni Alex na gusto na nila, kung may pagkakataon lang, na totohaning maging sila. Aniya, “Kasi pinupush ng mga tao, well, sa amin lang, ineenjoy lang naming. Ako naeenjoy ko kasi I like Alex so yeah.”