Francis Libiran designs for international footwear brand

Francis Libiran goes with Pinoy themes for an international brand of flip-flops.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/20/2014 9:21 AM
Francis Libiran designs for international footwear brand


112014-francis_main.pngMainit na tinanggap sa isang launch party last November 18 ang tatlong bagong designs ni Francis Libiran para sa isang sikat na brand ng flip-flops. Si Francis ang unang pinoy na nakagawa ng designs para sa brand na una ng nagawa ng international designers gaya nina Valentino at Paul Smith.

“Finally siyempre overwhelmed because we’ve been doing this for almost a year now and the planning, the designing, approving of designs, travelling from Manila to Brazil so it’s very exciting. Kasi I’ve been a big fan of the brand ever since every time I go to Boracay I would always fall in line to get my latest pair of new designs so when they approached me I told Arsi Baltazar we should do this no matter what.”

Matagal pinag-isipan ni Francis ang kanyang mga designs na gagawin at nanaig sa kanya ang pagiging isang pinoy kayat dito siya kumuha ng inspirasyon na pumasa naman para sa brand.

Nag set sila ng meeting with me and binigay nila sa akin ang mga dapat gawin so I gave them mga ten designs for them to approve pinadala yun sa Brazil so finally may tatlo na silang designs na na-approve so it went out smoothly. I guess there are plans na ilabas din ang designs na ito outside the Philippines. We have the City which is ang nire represent niya ang front ng jeepney, the Festival which is the maskara festival and the Island which is the Sarimanok.”

At plano rin ni Francis na mag give back sa blessing na natanggap niya kahit sa maliit na paraan.

“I have a plan na portion ng earnings ng project na ito I’ll donate sa charity pero sa ngayon wala pa kami napipili pero sigurado magbibigay kami sa charity.”

Matapos ang proyektong ito, marami pang aabangan kay Francis Libiran na ayaw paawat sa pag expand ng kanyang creativity at talent sa design.

“This is just the beginning, designing for Havianas I guess soon I’m interested in doing accessories, shoes, furniture, more on the lifestyle, so this is just the beginning.”