• Home
  • Fresh Scoops
  • Another Batangas local bags a million from ‘It’s Showtime’

Another Batangas local bags a million from ‘It’s Showtime’

Jobelle Gervacio wins a million from the “Isang Tanong, Isang Milyon” segment of ‘It’s Showtime.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/21/2014 7:16 AM
Another Batangas local bags a million from ‘It’s Showtime’


112114-aat_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, may panibagong milyanaryo na naman na nanalo sa “Isang Tanong, Isang Milyon” segment ng It’s Showtime. Nanalo si Jobelle Gervacio ng 1,022,000 Php matapos niyang isagot ang pangalan ni Dina Bonnevie sa one million worth na tanong. Kaysa raw Vic Sotto ang isagot sa tanong, itinulak siya ng kanyang instinct na pangalan ni Dina ang banggitin.

Ibibili ni Jobelle ng van ang kanyang tatay dahil bata pa lang raw sila ay frustration na nito magkaroon ng van. Driver ang kanyang tatay at sa ngayon ay hindi ito nakakapag-maneho dahil kinuha na ng may-ari ang minamaneho nitong van.

Kumukuha ng masteral si Jobelle dahil pangarap niyang makapagturo. Ang kanyang kurso ay Business Administration at ang kanyang specialization ay Marketing Management. Taga-Batangas rin si Jobelle katulad ni Mang Obet Bulanghagui na nanalo rin ng isang milyon sa kaparehong segment noong November 19 sa It’s Showtime.