Paulo Avelino confirms KC Concepcion has met his son Aki

Paulo Avelino says that it was a short, casual meeting between KC and Aki.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/2/2014 3:21 PM
Paulo Avelino confirms KC Concepcion has met his son Aki


110214-paulo_main.jpgIsa-isang sinagot ni Paulo Avelino ang mga naging pahayag ni KC Concepcion nang mag-guest ng live sa The Buzz ang aktres dalawang linggo na ang nakakaraan. Isa dito ay ang sinabi ni KC na pagbabantay ni Paulo sa kanya gabi-gabi sa ospital nang siya ay magkasakit ng dengue, “Bilang may sakit din naman yung tao siyempre gagawin mo rin naman ang lahat para gumaan yung loob at gumaling yung pakiramdam.”

Nagreact din si Paulo sa sinabing binigyan niya ng ‘yakapsule’ si KC, salitang nangangahulugan ng yakap bilang ‘capsule’ na gamot na nagpapagaling, “Yun ba sabi niya? Yun nga po siyempre ibibigay ng kahit sino naman siguro na may sakit, bilang may sakit din naman siya gusto mo na gumaan yung pakiramdam niya at gumaling agad.”

Sa nasabi ding panayam ni KC sa The Buzz, natanong ni Toni kung ano pa ba ang humahadlang sa kanilang dalawa para maging opisyal na kung anuman ang namamagitan sa kanila, at sinabi ni KC na isa sa mga konsiderasyon na kailangan din isaalang-alang ay ang anak ni Paulo kay LJ Reyes na si Aki, at nang hingan ng reaksiyon si Paulo tungkol dito, “Well siguro may kanya-kanya tayong dahilan. Siyempre nirerespeto ko siya sa kung ano ang tingin niya, kung ano sa tingin niya ang pumipigil or mga opinyon natin or yung mga gusto natin sa sarili natin.”

Ngunit siniguro niyang hindi ito makakapigil sa kanya na ipagpatuloy ang kung anumang espesyal na pagkakaibigan na meron sila na KC at kung saan pa maari itong mapunta, “Not really but everyone knows I have a son and he’s part of it. Parte na siguro na kung mamahalin ako ng tao ay kasama na mamahalin yung anak ko.”

Pero inamin ni Paulo na nagkita at nagkausap ng bahagya ni KC at ang kanyang anak na si Aki, “Nag-meet pero short lang. Wala naman, dumaan lang, nagpakilala. Mabilis lang.”

Tumanggi nang magbigay pa ng ibang detalye si Paulo sa naging pagkikita ng kanyang anak at ni KC. Ngunit kwento ni Paulo na kahit maikli at kaswal lang ang naging pagkikita, ok naman ang reaksyon ng bata. “Si Aki very friendly naman eh so walang problema.” At nang matanong kung okay lang ba sa bata na maging karelasyon ang aktres, ang nangingiting sagot ng aktor, “Siguro si Aki ang makakasagot niyan.”

Sa mga ginagawa ni Paulo kay KC tulad ng pagbabantay sa kanya sa ospital, natanong ang aktor kung mas sa gawa niya ba pinapatunayan ang kanyang intensyon at ipinapakita ang kagustuhan kesa sa salita, na nasabi din sa The Buzz nina Kris Aquino at Toni Gonzaga nang kapanayamin nila si KC. “Siguro balance-balance. Gusto mo rin naman sa buhay ng konting lambing, konting action, at konting sweet words. Maganda kung balance siya,”

At nang matanong siya kung ano ba ang tunay na estado ng kanilang relasyon, “Well as she said before, best friends and kumbaga natuto naman kami pareho at pareho naman kaming nagtatrabaho sa ngayon so dun na lang muna.”

Hindi pa man nila napag-uusapan kung saan na ba patungo ang kanilang relasyon at patuloy silang nananatiling matalik na magkaibigan, sila ba ay isang halimbawa ng ‘best friends in love?’ “Siyempre mahal mo naman kaibigan mo, kahit sinong kaibigan lang yan.” At siniguro niyang kung sakaling maging sila at maging opisyal ang lahat sa kanila, hindi nila ito itatago, “Well maybe kumbaga, ano pa ba yung itatanggi mo pa sa mundo kung kayo talaga.”