• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion on “relationship” with Paulo Avelino: ‘It might be premature’

KC Concepcion on “relationship” with Paulo Avelino: ‘It might be premature’

The actress doesn’t want to rush things with Paulo Avelino.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/3/2014 2:09 AM
KC Concepcion on “relationship” with Paulo Avelino: ‘It might be premature’


110314-kccon_main.jpgIlang linggo na nga ang nakakaraan nang ma-diagnose si KC Concepcion ng sakit na Dengue na kinailangan niyang ma-confine sa ospital ng ilang araw. Kaya naman nang makapanayam siya sa kaarawan ni Coco Martin, isang magaling at blooming pa na KC Concepcion ang humarap sa marami, kabilang na ang press. Kaya naman nang kamustahin siya, “Heto surviving. Kais mahirap pala sa dengue even after you recover meron ka pang a month na hindi pa masyadong 100% (normal).”

Hindi na rin maiwasan na matanong ang tungkol sa kanila ni Paulo Avelino. Sa panayam ni KC sa programang The Buzz, sinabi nito na dinalaw at binantayan siya ng aktor habang siya ay naka-confine sa ospital. “Siyempre nakakatouch kung sino yung bumisita sa akin, lahat ng friends ko at family ko.”

Pagdating sa tunay na estado ng namamagitan sa kanilang dalawa, sinabi ni KC na katulad ng sinabi nila noon, nananatili silang matalik na magkaibigan ngunit kung anuman ang higit pa doon ay kailangan pa nilang pag-usapan, “Well like I said before na hindi pa rin naming napag-uusapan. He also knows na marami pa siyang kailangang gawin and same with me. So we are not pressuring each other right now.”

At kung pag-ibig na nga ba talaga ang mayroon sa kanilang dalawa, isang makahulugang sagot ang sinabi ni KC, “I wont answer it now, it might be premature.”

Ipinahayag din ni KC na hindi siya nagmamadali sa kung ano ang meron sa kanila ngayon ni Paulo at kung ano ang lagay ng kanyang buhay pag-ibig sa ngayon, “No, honest ito ah. Mahirap kasi na ituloy tuloy knowing na napakaganda ng kung ano ang meron kami ngayon. Ang hirap ituloy-tuloy knowing na pwedeng… diba? No guarantees in the future so ayoko munang magsalita habang premature pa. Parang chill muna.”

Ngunit sinabi ng aktres na alam niya at nararamdaman niya ang mga ginagawa ni Paulo para sa kanya, tulad na lang ng pagdalaw at pagbantay ng aktor sa ospital noong magkasakit siya. “Of course naman, parang napakasincere lang niyang tao,” dagdag ni KC.

Sinabi ni Paulo sa isang interview na willing siyang makatrabaho si KC. Ganoon din ba si KC sa aktor? “It would be nice kasi nagbloom yung friendship namin without work talaga so it would be interesting to see kung paano yung dynamics namin. Kasi iba din yung kapag friends kayo at kilala niyo na nag isat isa tapos magkawork kayo siguro tatawa lang kayo ng tatawa.”