• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo speaks up about how she was affected by Daniel Padilla's audio scandal

Kathryn Bernardo speaks up about how she was affected by Daniel Padilla's audio scandal

The Teen Queen also shares her new adventures with Daniel Padilla abroad.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/19/2014 7:16 PM
Kathryn Bernardo speaks up about how she was affected by Daniel Padilla's audio scandal


111914-kat_main.jpgMatapos ang halos isang buwang pananatili nina Kathryn Bernado kasama si Daniel Padilla sa ibang bansa para sa ilang mga pagtatanghal sa US at Canada, mas ganado nang magtrabaho si Kathryn sa kanyang pagbabalik. “Nakakamiss din yung magtrabaho kaya ngayon parang ready na rin ako magtrabaho, masaya ako alam mo yun, nagkaroon kasi ako ng enough break for myself, so ngayon parang namimiss ko yung ganito.” 

Ikwinento din ni Kathryn kung bakit halos iang buwan sila inabot ni Daniel sa ibang bansa, “Kasi yung after ASAP LA meron kaming one week na free so naisip namin na para hindi na kami umuwi dito idiretso na namin kasi may Canada Tour din kami with Ate Kim (Chiu) and Sweet (Lapus) so inayos na lang with my handler para hindi na masayang na pabalik-balik kami so from LA, tumuloy na kami sa Canada so inayos yung mga flights.” 

At sa kanilang tila naging bakasyon na rin ni Daniel, ibinahagi ni Kathryn ang ilan sa mga hindi niya malilimutang karanasan sa ibang bansa, “Basta kay Ellen memorable yun. Nanood kami ng live at yung pumunta kami sa Niagara Falls yung nakita namin siya, nasa bucket list ko yun and yung na-enjoy ko lahat, nung pumunta kami ng Vegas.” 

Sa panayam din kay Daniel, sinabi niyang ang pagpunta nila ni Kathryn sa Niagara Falls ang isa sa kanyang mga hindi makakalimutang moment sa kanilang tour. Para kay Kathryn, ang pagpunta nila dito ang isa din sa mga magagandang naging karanasan nila ni Daniel. “Maganda ang place, ang ganda-ganda, nature lover din kasi ako tapos malamig, na-enjoy mo yung weather, yung mga tao, ang babait, ang ganda, naenjoy mo lahat,” paglalahad ng Teen Queen. 

Sa isang buwan na magkasama sila ni Daniel, natanong din si Kathryn kung meron pa ba siyang nadiskubreng bago sa ka-love team, “Kilala ko na si DJ, parang wala namang bago dun sa one month pero nadiscover ko na mahilig siya kumain ng burger. At saka, madali kasama, never naman siya naging pabigat kasama, yung game lang din siya sa lahat.” (continued on next page)


111914-kat_main.jpg














Ito rin ang unang pagkakataon na humarap sa press si Kathryn matapos ang audio scandal na lumabas patungkol kay Daniel Padilla at hindi naman itinago ni Kathryn na nakaapekto din sa kanya ang nangyari. “Siyempre ano, nung siguro, nalaman ko, nagulat ka lang, ganyan at naayos naman na eh. So ang importante sa akin marami kaming natutunan sa nangyari and feeling ko naman planado yun ni God kung bakit nangyari and basta ngayon ayos na, masaya na ulit.” 

At nang may nagtanong na kung dahil ba sa nangyari ay nabawasan ang kanyang pagmamahal sa binata, ang nangingiting sagot ni Kathryn, “Wow, ang lalim. Basta ngayon mas nag-grow kami sa nangyari and nag-grow lahat ng involved.”  

Naapektuhan man, ibinahagi ni Kathryn na wala na ang yugtong iyon sa nangyari sa samahan nila ni Daniel. “Siguro nung nalaman mo, normal lang naman. Kung paano niyo naramdaman kung mangyari sa inyo, ganun din po yung naramdaman ko pero inayos naman ni DJ, si Tita Karla. Kita mo na lahat sila in-assure ako kung ano ba talaga ang nangyari, and of course maniniwala naman ako sa kanila at tiwala naman ako sa kanila so yeah, masaya na, okay na.”