• Home
  • Fresh Scoops
  • It’s Showtime’s latest millionaire Roberto ‘Obet’ Bulanghagui reveals what he did to win

It’s Showtime’s latest millionaire Roberto ‘Obet’ Bulanghagui reveals what he did to win

Roberto ‘Obet’ Bulanghagui reveals how his kids helped him review and win the one million prize from ‘It’s Showtime.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/20/2014 7:05 AM
It’s Showtime’s latest millionaire Roberto ‘Obet’ Bulanghagui reveals what he did to win


112014-obet_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ang first millionaire mula sa It’s Showtime segment na “Isang Tanong, Isang Milyon” na si Roberto “Obet” Bulanghagui ay nag-kwento na Kapamilya fan siya noon pa man. Mahilig daw siyang manood ng It’s Showtime kapag day off niya 

Galing diumano ang pamilya ni si Mang Obet sa San Pascual, Batangas na kilala na bayan ng mga sorbetero. Ang tatay daw niya, ang mga kapatid niya, pati na rin ang mga tiyuhin niya ay panay mga sorbetero.

Ngunit paano nga ba naghanda si Mang Obet sa contest? Ayon kay Mang Obet, gabi-gabi siya tinutulungan ng mga anak niya mag-review. Nagtatanungan diumano sila tungkol sa mga topics katulad ng mga bansa at mga kontinente. Kabisado rin ni Mang Obet ang pagkakasunod-sunod ng mga naging president ng Pilipinas.

Bago siya umalis ng bahay at habang naliligo ang anak niya ay nagtatanungan sila tungkol sa Antarctica. At sakto naman tungkol rin sa Antartica ang tanong sa kanya sa “Isang tanong, Isang milyon” segment ng It’s Showtime kung kaya nakuha niya ang jackpot prize na isang milyon.

Kinamulatan na ni Mang Obet  ang pagiging sorbetero at nagtitinda siya sa Luneta. Ayon sa kanya, ang mga pinakamabiling flavor ng ice cream ay mango, cheese, chocolate, at cookies and cream. Ganunpaman, gusto na raw niyang matapos sa kanya ang “alamat ng Ice Cream.” “Mahirap at malungkot” daw kasi ang pagiging isang sorbetero kung kaya ayaw niyang maging sorbetero rin ang kanyang mga anak.

“Dirty Ice Cream” man daw ang tawag sa ice cream na binebenta sa kalsada, ayon kay Mang Obet ay malinis ito dahil hinihingian sila ng lahat ng requirements ng local government kasi kapag may “nadisgrasya” dahil sa kanilang ice cream ay “management ng Luneta ang mananagot.”

Anong kaya ang balak ni Mang Obet ngayong milyonaryo na siya? Sa ngayon daw ilalagay na muna ni Mang Obet ang pera sa bangko. Balak rin niyang ipagamot ang nanay niyang diabetic. Kwento ni Mang Obet, nanay lang niya ang natiwala sa kanya, lalo na ng mga panahon na wala ng nagtitiwala sa kanya maging ang mga kapatid niya. 

Paano naman kaya nagagawa ni Mang Obet na magkaroon ng masayang pamilya kahit na kakarampot lang ang kinikita niya? Ayon kay Mang Obet ay “focus ka lang sa goal” at kung “ano raw ang gustong niyang marating ng mga anak niya na hindi niya narating.”