• Home
  • Fresh Scoops
  • Madir ng isang aktres, chinecheck ang selfie pics ng nagpapapicture sa anak niya!

Madir ng isang aktres, chinecheck ang selfie pics ng nagpapapicture sa anak niya!

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/18/2014 2:48 PM
Madir ng isang aktres, chinecheck ang selfie pics ng nagpapapicture sa anak niya!


111814-ogie_main.jpgNaaliw ang ilang friends ko sa nanay ng isang sikat na young actress.  Eto ang kwento:  naabutan nilang magkakaibigan ang young actress na nagba-badminton sa court na malapit sa mother network nito.  So hindi muna nila ito ginambala sa paglalaro with friends, kaya naglaro na rin muna sila ng badminton.

So after a while,  umupo na sa bench ang dalaga,  nagpupunas-punas ng pawis.  So, feeling ng mga friends ko, puwede na nila itong lapitan para makapagpa-picture.

Paglapit nila,  nagsabi sila ng, "Puwede bang magpa-picture with you?"

"Oo naman," say naman ng young actress.  "Eh, Kuya Ogs,  kita ko talaga 'yung mukha ng madir,  parang hindi siya natuwa na me lumapit sa anak niya para magpa-picture.  Kasi, ang pakla ng ngiti niya.  Pilit na pilit. Samantalang sa anak naman, parang okay lang naman talaga," tsika ng aking friend.

"So eto na.  Nu'ng pu-mose na kami with her,  click, click, click! Lapit ang madir. Sabi niya, 'Tingnan ko nga ang mga kuha n'yo, baka hindi maganda ang anak ko diyan, ha?' So, kami naman, ipinakita namin 'yung mga shots.  Tapos, sabi niya, 'Ay, hindi maganda ang anak ko dito,  i-delete mo 'yan, i-delete mo 'yan!'

"Nalokah kami, eh ang ganda nga ng anak niya du'n, tapos, hindi pa siya kuntento du'n.  Eh, hindi naman din kami ang pu-mose kundi ang anak niya, 'di ba?  So, wala kaming nagawa, kundi ipakita sa kanya na dinilete na namin 'yung picture na ayaw niya, tapos, iningatan na namin ang pagkuha ng picture with her daughter.

Ang dialogue niya after, 'O, patingin nga, patingin kung maganda na ang anak ko diyan!' Hahahahaha!  Nabaliw-baliw  talaga kami sa nanay niya.  Andami na naming nakikitang artista na tagaktak pa ang pawis 'pag nagpapa-picture, ang ganda pa rin sa picture.  Ano ba 'yon, walang bilib sa ganda ng anak? What does it mean?"


Hindi naman sa gano'n.  May karapatan naman kasi ang bata, kaya kahit naman siguro ako pa ang maging manager no'n ay hahanapin ko rin ang right angle niya para masabi ko sa kanya na every time may magpapa-picture sa kanya ay eto, ganyan ang anggulo niya dapat.  Saka nanay 'yon, kaya alam niya kung ano ang makabubuti sa anak niya.  "Pero mukhang mahadera, Kuya Ogs." No,  masyado lang concerned ang ina sa anak, kaya normal lang na gusto nitong maging maganda ang anak sa lahat ng pictures na lalabas, lalo na at may mga online bashers din. So gusto lang nito na consistent ang ganda ng kanyang anak sa personal at sa pictures din. 


"Ang importante, pinagbigyan pa rin kayo, hindi kayo nilayasan o dinedma," say ko sa mga friends ko.