“Hindi ko naman siya babalikan kung hindi ako sigurado sa kanya,” sabi agad ni Luis.
Hindi rin daw siya naniniwala sa pre-nuptial agreement bago sila ikasal ng aktres.
“Kilala ko si Angel, definitely she’s not after money, mas maraming pera sa akin si Angel. I’m man enough to admit, eh, totoo naman, eh. Sabi ko nga, malayo ang TF ng isang leading lady of that caliber, sa isang host, napakalayo.
“Kunyari, yung TF niya sa TF namin, endorsement sa endorserment, pucha ang layo. Nababalitaan ko ‘yon within the industry.
“Kasi si Angel, ano, eh, kumbaga, the way I know her, she’s very logical, na ‘okay, eto yung pag-aari mo, eto pag-aari ko.’” sabi pa ng aktor.
Catholic si Luis at Christian si Angel at pag-uusapan daw nilang mabuti ang tungkol sa kanilang kasal.
“Gusto ko talaga, sobrang intimate lang ng wedding namin. Gusto ko church, siyempre. Iba kasi yung sanctity ng isang church wedding. But I respect her faith din naman kaya I can’t impose na sa church tayo. So kumbaga, that’s one of the things that we really need to talk about,” he said.
Kelan ba balak ni Luis mag-propose kay Angel?
“Siguro, engagement muna... But this is a big maybe ha, maybe next year,” pag-amin pa ni Luis.
Naikuwento rin ni Luis sa last part ng interview na ang kantang "Forevermore" ng Side A ang themesong nila ni Angel.
“Ako lang ang gumawa no’n. Nu’ng birthday ko ginawa. Kasi yon ang pinatugtog niya sa bahay ko, kaya ‘yon na lang,” tsika pa ni Luis na host ngayon ng The Voice of the Philippines season 2 with Toni Gonzaga, Alex Gonzaga ang Robi Domingo.