Jed Madela apologizes for his rantings on social media

The singer admits he was having a bad day when he tweeted his angry status.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/18/2014 2:37 PM
Jed Madela apologizes for his rantings on social media


111814-jed_main.jpgPinuntahan natin si Jed Madela sa rehearsals para sa kanyang third leg ng kanyang “All Request” concert na magaganap na ngayong biyernes sa Music Museum. Sa ating interview, nilinaw ni Jed at ipinaliwanag ang kanyang side sa issue na diumano ay nag-init ang kanyang ulo sa isang production number kasama sina Sarah Geronimo at Eric Santos.

“It’s so out of my character to do such a thing and more than that to say it kasi you know when people come out with stories pinapalaki nila and I think this came out, this prod na sinasabi nila came out moths ago nagkaroon kami ng prod ni Eric at Sarah for the Philharmonic Orchestra album launch, yung areglo na ginamit nila was my arrangement for the song 'Hanggang' so it was too low for Sarah so I was helping out na binigay ko yung part na mataas kay Sarah and yung part na mababa kinuha ko, it was out of the goodness of my heart para lumabas na maganda ang prod naming and siguro na misunderstood nila na nagmamarunong ako na ako ang nagtuturo pa daw which is hindi naman iyun ang purpose ko.

Sa issue naman na nagwo-walk out daw siya kapag hindi nasunod ang kanyang gusto, nilinaw din ni Jed ang issue.

“If I have issues with somebody, I direct it with the people concerned, siguro it was misunderstood na if ever I leave the place its more on iniiwasan ko na may gulo lalo na kapag mainit ang ulo sa palibot syempre iniiwasan mo muna and maybe people misinterpret it as walking out but I never do that, I never leave a place na mainit ang ulo. I never leave a place na hindi naaayos ang problema and wala talaga problema. Unang una hindi ako nagde-demand if you are in a show like ASAP where there are tons of artists hindi madali na maisiksik kami sa isang two-three hours show, it has been a concern of all the artists but we understand how difficult it is to give equal parts sa ASAP so walang pagde-demand na nagaganap. We can ask, we can suggest at nabibigyan naman kami sa tamang time at episode.”

Sa kanya naman naging status na “I'm working with a bunch of monkeys”, nag apologize si Jed at aminado na mali ito.

“I admit that what I posted was really bad, it was really harsh and I apologized for it, I was not thinking straight. I was tired, I was upset again it was not about my colleagues in ASAP. Nakakalungkot lang when people put words in your mouth na hindi ko naman sinabi doon pero sinasabi nila na sa ASAP yun.”