• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz shares Nash Aguas was more nervous than her during their love scene in Bagito

Ella Cruz shares Nash Aguas was more nervous than her during their love scene in Bagito

The teen star says she couldn't say no to the role of Vanessa.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2014 7:05 AM
Ella Cruz shares Nash Aguas was more nervous than her during their love scene in Bagito


111914-ella_main.jpgNaiilang at hindi mapakali si Ella Cruz habang pinapanood ang first one week episode ng newest teleserye ng ABS-CBN na Bagito na nag-premiere nu’ng Lunes before TV Patrol.
 
Hindi niya raw ini-expect na paulit-ulit ipalalabas ang eksenang nagsukob sila sa kumot ni Nash Aguas, bida sa serye na nag-i-insinuate ng sexual act.
 
“Grabe, hindi ko talaga akalain na makakagawa ako ng ganu’n. Ito na talaga yung isa sa pinaka-challenging role na ginawa ko sa buhay ko. Kaya binigay ko rin talaga yung pinaka sa pinaka-best ko.
 
“Medyo na-shock lang kasi ako dahil paulit-ulit talaga siyang pinapakita kasi may flashback pa.  I don’t know talaga how to react, hindi ako sanay,” pag-amin ni Ella after the press preview of Bagito.
 
Ella is portraying the role of Vanessa na isang 18-year-old college student sa Bagito and she admits na ito ang unang pinaka-mature role na kanyang ginampanan.
 
Eighteen din naman si Vanessa sa Bagito. Kaya ko siya kinuha dahil sa karakter niya mismo,  sobrang challenging niya po kasi. Binalewala ko lahat... alam nating for sure, may masasabi at masasabi sila, pero I’m just being professional po.
 
Di ba siya kinabahang gawin ang eksena nila ni Nash?
 
“Sobrang kabado po namin parehas... Sabi ko, ‘ah, 18 na talaga ko.’ Sinabi naman po nila sa akin na may ganu’ng eksena at alam ko na darating din naman sa punto na gagawa ako ng ganu’ng eksena. 
 
“Sabihin na natin na medyo napaaga lang, saka maganda naman po talaga yung show ,eh.  ‘Yon yung inisip ko, ang ganda ng character ni Vanessa para i-let go ko pa,” kuwento pa niya.
 
Ayon pa kay Ella, hindi raw siya nagdalawang-isip na gawin ang eksena. Naikuwento din ng young actress na mas kinabahan si Nash sa kanilang “bed scene.”
 
“Kinakabahan talaga siya (Nash). Umaga pa lang hindi na niya ako pinapansin. Sobrang tahimik lang si Nash. Tapos nu’ng kukunan na, ‘Oh my God, eto na.’ Sabi ko, ‘Direk help, tulungan mo ako.’ Pero si Nash, nag-usap din naman kami, sabi ko magtulungan na lang kami,” medyo napapatiling pahayag ni Ella.
 
Tanggap ni Ella na nagbida na rin sa teleseryeng Aryana na this time, sina Nash at Alexa Ilacad ang bida sa Bagito.
 
“Eh sila naman po kasi talagang dalawa ang inilu-launch dito. Pero ako, ang masasabi ko po, hindi naman po so-so lang yung role ko dito. At saka, kung hindi rin naman po dahil sa akin, hindi siya magiging bagito,” biro pa niya.
 
“Opo, at first, medyo parang, ‘ay hindi ako ‘yung bida’, pero ganu’n naman po talaga, darating naman po yung time na hindi ikaw yung bida, merong second lead ka lang. Pero this time hindi ko talaga nakita na so-so lang si Vanessa.
 
Actually, para sa akin, just do your job, yung work, yung pangarap mo and just do your best para umangat yung character mo,” paliwanag pa ni Ella.
 
Bukod kina Ella, Nash at Alexa, kasama rin sa Bagito sina Agot Isidro, Angel Aquino, Ariel Rivera at ang Gimme 5 members na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez at Brace Arquia.