• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina explains why she remained quiet about Cristine Reyes' pregnancy

Ara Mina explains why she remained quiet about Cristine Reyes' pregnancy

The actress says she is very happy for her sister.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/18/2014 5:12 PM
Ara Mina explains why she remained quiet about Cristine Reyes' pregnancy


111814-ara_main.jpgNagbigay na ng reaction si Ara Mina sa ginawang paglalantad ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes sa ASAP 19 at The Buzz tungkol sa kanyang pagdadalang tao noong Linggo. 
 
Eh, bakit ba inilihim ni Ara ang pagbubuntis ng kapatid? Ilang buwan na ba ang tiyan ni Cristine bago nito sinabi sa kanya na she’s pregnant?
 
“Hindi naman sa inilihim, ano lang, wala lang akong karapatang sabihing buntis siya kasi kanya naman ‘yo’n. Siya ang dapat mag-confirm no’n, hindi ako,”  paliwanag ng aktres.
 
“Saka, kelan din lang naman niya sinabi sa akin na ‘ate, buntis ako.’ Siguro, mga ilang months lang ‘yon, two months siguro. Tapos very casual lang yung pagkakasabi niya.
 
“Eh, ang mommy nga, tinanong lang siya (Cristine) sa text kung totoo yung mga isyu, kung buntis nga siya, ang sagot lang niya kay mommy, ‘yes mommy.’" kuwento pa ni Ara.
 
Ayon pa kay Ara, tatlong new babies ang madaragdag sa kanilang pamilya.
 
“May baby boom nga! Ha-haha!” sabi pa niya.
 
“Si Haydee (kapatid din ni Ara) kapapanganak lang last week, babae ang baby. Ako naman before Christmas tapos babae din. Si AA naman, sa April siya manganganak. Pero hindi ko pa alam kung girl din ba yung magiging baby niya. Ang gusto kasi niya, boy ang papanganak niya, eh... Ang saya-saya, ‘di ba? Tatlong little angels agad. Blessing ‘yon,” she said.
 
Nakasuporta si Ara sa pagbubuntis ngayon ng kapatid. Nag-post pa nga ito sa kanyang Instagram account ng picture na magkayakap sila ni Cristine with matching message pa na,  “Another blessing from God. I’m proud and happy for you my sister! I  will always behere for you no matter what. You are in my prayers everyday. I love you to the moon and back.”
 
May pakiusap lang si Ara sa kapatid. "Sabi ko sa kanya, ako muna ang magpapakasal, then after ko, saka na lang siya sumunod. Mukhang okay naman sa kanya,” say pa niya.
 
Ara’s boyfriend is Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses while Cristine’s bf is a Fil-Persian MMA fighter named Ali Joshua Khatibi.
 
Best wishes sa inyo, Ara and Cristine.