• Home
  • Fresh Scoops
  • Ruffa Gutierrez: ‘Na-hurt ako kasi matanda na ako pinapahiya pa niya ako’

Ruffa Gutierrez: ‘Na-hurt ako kasi matanda na ako pinapahiya pa niya ako’

Ruffa Gutierrez shares details of the night she walked out on her mom Annabelle Rama.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/18/2014 7:00 AM
Ruffa Gutierrez: ‘Na-hurt ako kasi matanda na ako pinapahiya pa niya ako’


111814-ruffa_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, sinabi ni Ruffa Gutierrez na bati na sila ng kanyang mom na si Annabelle Rama. Kailan lang ay nagsagutan ang dalawa sa Twitter dahil diumano sa ginawang pagpapahiya ni Annabelle kay Ruffa sa birthday dinner ni Annabelle.

Kwento ni Ruffa, sinusubukan lang ng kanyang mommy na maging “funny at sarcastic” sa naturang conversation, ngunit nang napunta na kay Ruffa ang usapan hindi na niya nagawang kainin ang dessert niya dahil “katabi ko yung pinatatamaan niya.” Na-hurt diumano si Ruffa “kasi matanda na ako pinapahiya pa niya ako.”

Depensa naman ni Annabelle sa mga kaibigan ni Ruffa na wala siyang pinatatamaan ngunit ayon kay Ruffa kilala niya ang mommy niya. Ang gusto lang raw ni Ruffa ay magkaroon ng “self-control” si Annabelle. Paliwanag ni Ruffa, “She’s frank. She expresses what she feels in that moment and sooner or later she regrets it.”

Okay na diumano sila ng kanyang Mommy Annabelle ngayon. Kahit na raw nag-aaway sila ay, “I love her naman even if she fights me.” Giit ni Ruffa, “My mom has a good heart. When she loves someone and she’s loyal to someone, it really shows.” 

Sa tanong naman kung ang French boyfriend niya na si Jordan Mouyal ang “the one,” sagot ni Ruffa ay “Time will tell if Jordan is the one.” Few months na raw silang couple ni Jordan pero ang focus nila pareho sa ngayon ay career. “Hardworking” diumano si Jordan at naiintindihan nito ang mundo ng showbiz. 

Sinabi rin ni Ruffa na ang nagustuhan niya kay Jordan ay dahil lagi itong nasa tabi niya at sumusuporta sa kanya kahit na anong mangyari. Wala ring “paki” si Jordan kapag sinusungitan siya ni mommy Annabelle “as long as I’m nice to him.” Kaibigan ni Jordan ang mga anak ni Ruffa na si Venice at Lorin.