• Home
  • Fresh Scoops
  • Raquel Pempengco now considers Alyssa Quijano ‘the one’ for Charice

Raquel Pempengco now considers Alyssa Quijano ‘the one’ for Charice

Charice’s mom also answers why they changed managers.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/16/2014 11:19 PM
Raquel Pempengco now considers Alyssa Quijano ‘the one’ for Charice


111614-charice_main.jpgSa The Buzz, masayang masaya si Charice kasi magkasundo na ang kanyang Mommy Raquel Pempengco at ang kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano. Ngayon daw e napagkakamalan pa niya na si Raquel at Alyssa ang mag-ina dahil magkasundo ito sa maraming bagay.

Sinabi ni Mommy Raquel na ang tawag niya kay Alyssa ay “bucho” kasi siya ang bunso ng pamilya nila. Biro naman ni Charice, ‘only girl’ din si Alyssa sa pamilya. Pati raw ang mga dating damit ni Charice ay ibinigay na ni Mommy Raquel kay Alyssa.

Napataunayan din ni Mommy Raquel na mahal ni Alyssa si Charice dahil hindi nito iniwan si Charice sa loob ng isang taon. Nakikita rin ni Mommy Raquel kung gaano ni Charice at Alyssa kamahal ang isa’t isa.  “Talagang napatunayan ko na she is the one (for Charice),” ani Mommy Raquel.

Nag-kwento rin si Charice tungkol sa huli nilang pagkikita ni Oprah Winfrey sa kanyang show. Nagandahan diumano si Oprah sa kanyang buhok at sinabi rin nito na “this is your homecoming.” Malaking ang pasasalamat ni Charice kay Oprah dahil “hindi siya nag-give up sa akin through ups and downs.”

Matatandaan na kamakailan lang ay naglabas ng sama ng loob si Charice sa mga Filipino na bumabatikos sa kanya. Nilinaw ni Charice na mahal niya ang mga Filipino at noong araw na nagsama siya ng sama ng loob ay “she’s having a bad day.”

Totoo rin ang balita na babalik na si Charice sa dati niyang manager dahil sa desisyon ng kanyang ina na,“I want someone who will fight for you.” Kamakailan kasi ay iniwan na din ni Charice ang manager niya na si Glenn Aldueza at di niya muna ipinaliwanag kung bakit. Matatandaang si Glenn ang naging kakampi ni Charice nung umalis siya sa puder ng kanyang ina. Magiging manager niyang muli si Grace Mendoza, dahil mas maalam daw ito sa events, PR at ibang kalakaran sa mundo ng showbiz.