• Home
  • Fresh Scoops
  • Lani Misalucha says there's nothing wrong with being 'retokada'

Lani Misalucha says there's nothing wrong with being 'retokada'

The singer admits she has had cosmetic surgery on various parts obryf her face.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/16/2014 11:17 PM
Lani Misalucha says there's nothing wrong with being 'retokada'


111614-lani_main.jpgExcited na humarap sa entertainment press si Lani Misalucha para sa presscon ng concert niya titled La Nightingale sa Araneta Coliseum on Dec. 6 (Sabado) produced by ABS-CBN Integrated Events and Star Event.
 
Ayon sa Pinay singer na sikat na sikat sa Las Vegas, mala-Cirque du Soleil ang ilang production number sa concert. Pero siyempre, hindi rin daw mawawala sa concert ang kanyang timeless hits at sariling version ng international classic ballads at ibang sikat na kanta ngayon.
 
Sa presscon ay hindi rin naiwasang ungkatin ang tungkol sa isyu ng pagpaparetoke ni Lani ng ilong na inaamin naman niya.
 
“Talagang choice ko ‘yon, ang magpaayos ng ilong. Sabi ko sa make-up artist ko, para hindi na siya mahirapan sa pagsi-shade ng ilong ko, ipagagawa ko na lang,” pagri-recall ni Lani.
 
“Actually, very late ko na na-decide ‘yon, eh, nasa Vegas na ako na gawan ng paraan (ang ilong), kasi para sa akin kung ikaka-enhance ba ng features mo o ikakabuti ng itsura ng face mo, bakit hindi di ba? Normal na tao nga, pinagagawa, kami pa na araw-araw nakikita sa television, di ba?
 
“Actually, nung nandito pa ako sa Pilipinas no’n, akala ng tao may pinagawa na ako. Ang ginawa ko pa lang no’n ay ngipin. So they were trying to figure out, sabi nila, ‘something is different about her face.’ Kasi alam mo once na may ginawa kang konti, parang ang laki na ng difference, eh. Nu’ng time na ‘yon, ngipin ko pa lang yung pinagawa ko kasi I really have a bad set of teeth,” kuwento ni Lani.
 
Ayon pa kay Lani, wala siyang naging inpirasyon si sa kanyang pagpapa-nose job.
 
“Talagang sinabi ko sa sarili ko na gusto ko lang talaga. I have to do something about it.”
 
Hindi rin nag-worry ang singer na baka makaapekto sa kanyang pagkanta ang ginawang retoke sa ilong.
 
“Kasi external lang naman, eh, wala naman sa loob, Kasi come to think of it, yung ibang ano sa Amerika, ganu’n din, eh, pero wala namang nababago sa boses,” she said.
 
Bukod sa nose and teeth, inamin din ni Lani na nagpaayos siya ng eye bags. Meron din siyang gustong ipabawas sa kanyang katawan.
 
Once na tumuntong ka ng 45, pag dumating ka na sa ganitong edad, mahirap na talagang mag-lose ng weight... ‘yon siguro,” say pa niya.
 
Magiging special guests ni Lani sa kanyang concert sina Arnel Pineda, Jed Madela at ang G-Force. Tampok din sa La Nightingale ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga. Si Paul Basinillo ang stage director ng concert at si Louie Ocampo naman ang musical director.