Alexa Ilacad admits her mom knows she likes Nash Aguas

The young actress says she’s very open to her Mom.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/16/2014 11:18 PM
Alexa Ilacad admits her mom knows she likes Nash Aguas


111614-nlex_main.jpgSa The Buzz nitong Linggo, inamin ni Nash Aguas sa live interview kasama si Alexa Ilacad, na noong una naisip niya na isang controversial na usapin ang tatalakayin ng Bagito dahil kwento ito ng isang 14 year-old na nakabuntis. Ngunit, tinanggap rin niya ang role kasi bata pa lang raw si Nash ay mahilig na siya sa mga adventurous roles at naisip rin niya na malaking tulong ang Bagito para mas “maging aware ang mga manonood.”

Inamin naman ni Alexa na crush niya ang ka-love team na si Nash. Sinabi raw niya sa Mommy niya na, “Ma, gusto ko po si Nash.” Very open daw kasi si Alexa sa kanyang Mom. Kwento pa ni Alexa, pinaghandaan niya ang last birthday ni Nash at bukod sa pag-bake ng brownies na nagmukhang muffin at sa pagbigay ng card ay binigyan rin niya si Nash ng headphones.

Noong last birthday naman ni Alexa, niregaluhan din naman siya ng “Instax” ni Nash at nangutang pa siya para lang mabili ang regalo niya sa ka-love team.

Magkababata si Alexa at Nash sa Bagito at mabubuntis naman ni Nash ang character na gagampanan ni Ella Cruz.