Lani Misalucha talks about her life in Vegas

Lani Misalucha says moving to Las Vegas was a family decision.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/15/2014 8:24 AM
Lani Misalucha talks about her life in Vegas


111514-lani_updates.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, tuloy na tuloy diumano ang concert ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha at hindi raw totoo na muntik na siyang umatras sa kanyang concert.

Tinanong si Lani kung ano ang kaibihan ng Pinoy audience sa American audience at sinabi ni Lani na mas madaling i-please ang mga Americans at mas expressive daw sila bilang audience.

Kwento rin ni Lani na kinakabahan siya sa lahat ng performances niya lalo na raw sa umpisa ng show.

Isang family decision ang paglipat ng pamilya ni Lani sa Las Vegas at gustong-gusto raw ni Lani ang “family and private life sa Vegas.” Mas laid-back din diumano ang buhay sa Vegas kaysa sa California. 

Mayroong dalawang anak na babae si Lani. Ang isa ay 21 years old at may asawa itong American at may apo na rin si Lani dito. Ang isa pa niyang daughter na 23 years old ay pupunta sa Pilipinas para sa isang church mission.

Ang concert ni Lani ay gaganapin sa December 6 sa Big Dome at mayroon daw itong element of Vegas.