• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla talks about his bonding moments with Kathryn Bernardo while on tour

Daniel Padilla talks about his bonding moments with Kathryn Bernardo while on tour

Daniel Padilla admits that some of the places he went to with Kathryn Bernardo felt romantic.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/15/2014 11:46 PM
Daniel Padilla talks about his bonding moments with Kathryn Bernardo while on tour


111614-daniel_main.jpgSa isang taong paggunita sa Bagyong Yolanda, pinarangalan ang mga taong tumulong at patuloy na tumutulong para makabangon ang mga kababayan nating naapektuhan ng bagyo. Isa sa binigyan ng parangal ay si Daniel Padilla kamakailan lamang na nagtatanghal ng libre sa Tacloban noong nakaraang taon. “Actually nung una okay lang naman na hindi mapansin eh. Hindi naman yun mahalaga kasi kapag tumutulong ka, hindi mo naman yun kailangan. Pero nung binigyan tayo, mas lalaong mas sumasarap tumulong, yun yung mas panalo kaya parang mas gusto ko ng award lagi.”

Ibinahagi din ni Daniel ang pakiramdam na makatulong sa kanyang mga kababayan sa Tacloban “Masaya siyempre dahil ako, tumira ako ng isang taon sa Tacloban, nag-aral ako dun. Grade 4, one year kasi dun din nanganak si mama kaya dun na rin siya nagpa-aral. Tapos yun, siyempre isang taon ay matagal din yun so ang tagal ko din tumira sa Tacloban so nakita ko siya, at alam naman natin yung ginawa nung bagyong yun, nakakalungkot. Pero, hindi naman pwede na malungkot lang tayo habang buhay, kailangan din nating gumawa at bumalik sa dati.”

Halos isang buwan din nawala si Daniel kasama si Kathryn Bernardo para sa isang US-Canada Concert Tour. At nang kamustahin sila sa katatapos lamang na tour, “Actually guys tignan niyo na lang yung pictures, masayang-masaya kami.” Ibinahagi din ni Daniel ang kanilang ginawa nung nandun sila. “Masaya siyempre ang dami na naming bansa din na napuntahan ni Kathryn, masaya… Yung pumunta kami sa Niagara Falls, kung ano yung sikat na lugar dun sa isang bansa. San Francisco, pumunta kami sa Golden Gate, pumunta kami diyan.”

At sa tanong na kung may bantay ba si Kathryn, “Walang bantay, nandun ang nanay. Hindi siya bantay, nanay siya.”

Nagpapasalamat din si Daniel sa pagkakataon na hindi lang makapagtanghal sa mga kababayan natin sa ibang bansa kungdi para kahit papaano ay makapagbakasyon din. “Basta naging masaya, basta masaya ako na nagkaroon kami ng ganung bakasyon slash trabaho, marami din tayong mga kababayan na napasaya.”

Dalawang lugar din ang ibinahagi ni Daniel na hindi niya malilimutang pinuntahan kasama si Kathryn. “Siguro yung Niagara Falls at Golden Gate.” At sa tanong na kung romantic ba, ang matipid na sagot ni DJ, “Oo naman.”