• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto on MMFF competitors: ‘I wish everyone good luck’

Vic Sotto on MMFF competitors: ‘I wish everyone good luck’

The comedian says My Big Bossing only has two more days of shooting.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2014 3:24 PM
Vic Sotto on MMFF competitors: ‘I wish everyone good luck’


111414-vic_main.jpgSa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag ang actor-TV host na si Vic Sotto na maging celebrity ambassador ng CitiGlobal Realty which caters primarily to overseas Filipino workers of OFW.

The beloved Bossing of Philippine showbiz is more than endorsing a real estate company. He is also championing its purpose of helping deserving individuals in improving their state of living.

“I am very partial to our OFWs. Nakakasama at nakakausap ko ang madami sa kanila hindi lang sa studio ng Eat Bulaga kundi pati na rin sa mga international concerts namin. Ramdam mo talaga na sabik na sabik sila sa Plipinas. Lahat nag-iipon para makapagbakasyon sa atin. Kaya ganu’n na lang ang kayod nila para makapag-relax at mag-enjoy dito,” simulang kuwento ni Vic.

Pero kahit siya ang mukha ng real estate company, aminado si Vic na hindi pa niya naipapatayo ang kanyang dream house.

“Wala pa, eh,” agad niyang pag-amin. “Pero meron naman akong bahay sa Tagaytay, an old house actually, isa sa mga konting investments ko. Nature-tripper kasi ako, gusto ko yung parang nasa bakasyon lang ako pag nasa bahay ako,” dagdag pa niya.

Eh, sino ba ang isasama niya sa ipatatayong dream house?

Wala namang iba, si Pauleen lang,” sabi agad niya. “Hindi naman ako malikot. Ako lang naman ang nililikot,” biro pa niya. (continued on next page)




111414-vic_main.jpgMalapit nang matapos ang Metro Manila Film Festival entry ni Vic na My Big Bossing na isang trilogy at mukhang mauunahan niya ang ibang pelikulang na kasalukuyan pa lang sinu-shoot.

“Two shooting days to go na lang kami -- this Friday and Saturday -- tapos post prod na lang, ‘yon ang medyo madugo, eh.

Tagal kaming nag-prepare. February-March pa lang, nagkukuwentuhan na kami... Principal photography namin nag-start na nung July pa lang kasi may kasama kaming bata (Ryzza Mae Dizon). Hindi naman puwedeng puyatin ‘yon,” he said.

Sa December ay makakabangga ng My Big Bossing at ang Little Bossing. Ano ang feeling niya dito?

Magkaiba naman sila eh. Magkaiba sila ng tema, so I don’t think magkakaroon ng conflict. And besides, ‘yung aking Big Bossing is a trilogy.  Yung aking Big Bossing (Ryzza), eh,  talagang ipinakita ang kanyang talento sa pagpapatawa...  sa seryosong role. I think she’s proving herself to be a very good actress, hindi lang yung puro pa-cute.

Sa My Little Bossings kasi puro pa-cute lang siya, eh. Pag pinanood mo, pa-cute lang sila ni Bimby, eh... Eto, tatlong role ang aming ginampanan... Si Ryzza naging sirena, ispiritista at prinsesa,” pagmamalaki ng actor-TV host sa kanyang co-star.

May wish si Vic kay Kris Aquino na dati niyang katambal last year sa MMFF movie na My Little Bossings.

“Not only for Kris, I wish everyone good luck, and I wish... yung kabuuan ng festival. Sana malampasan namin yung last year. Medyo mahirap-hirap na gawin ‘yon, but we’ll never know.

“Last year kasi, it was a record-breaking result, eh... I know mahirap i-break ‘yon. Of course, it’s always possible. The possibility is there,” say pa ni Vic.

Idinagdag din ni Vic, na magiging masaya siya sa kalalabasan ng pelikula nila ni Kris sa box-office. Hindi rin daw siya conscious na palaging nagiging top-grosser ang kanyang pelikula.

Basta ang importante, pareho kaming kumita okay na kami no’n. Pareho na kaming bonggang-bongga.”

Pero kung magiging number one kami, okay lang. Kahit naman number two ka pero maganda naman yung box-office mo, eh, okay na rin. It’s just a number. Sanay naman ako na nagna-number two. Basta huwag lang number three,” biro pa niya.

Palabas ang My Big Bossing sa Dec. 25 kasabay ng Feng Shui 2 at iba pang pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.