Guwapong actor, ibang klase ang trip

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

11/14/2014 6:18 PM
Guwapong actor, ibang klase ang trip


111414-ogie2_main.jpgBaka hindi pa aware ang isang guwapong young actor na sa isang umpukan ng mga baklitang reporter ay pinag-uusapan ang kanyang "ipinagawa" sa maselang bahagi ng kanyang katawan.   Alam n'yo na kung saan 'yon, ha?  'Wag n'yo nang itanong kung nagpa-enlarge ba siya?  No, hindi niya kailangan 'yon.  Nagpa-Brazilian wax ba siya sa "madawag na kagubatan niya doon hanggang sa kailalim-ilaliman"?  No, hindi rin.

Kung 'yung ibang kalalakihan ay trip magpalagay ng tattoo sa alinmang parte ng kanilang katawan, ibahin n'yo ang young actor na ito, dahil wala itong tattoo sa kanyang katawan, pero "sa dako pa roon" ay may ipinagawa siya na hindi kayang gawin ng ibang mga barako-- ang magpalagay doon ng "bolitas."

Dahil ang paniniwala raw pala ng young actor, sa dati niyang probinsiyang kinalakihan, lahat ng mga kababata niya doon ay nagpalagay na ng bolitas sa kanilang "general merchandise," kaya ang "tradisyong" kinamulatan ay kanya ring ipinagawa sa ari niya bilang "pangiliti" sa ka-partner.

Pero hindi naman 'yung pagpapalagay niya ng bolitas ang isyu, kundi ang pagbabayad pagkatapos ng serbisyo.

Diumano, tseke ang ibinayad ng young actor.

Tumalbog ba?

Ay, hindi. Hindi tumalbog.  Pero ang ka-intri-intriga daw doon ay hindi ito tseke ng young actor, kundi tseke ng isang kilalang gay personality, dahil ang pangalan nito ang nakalagay sa account name.  So, iniisip na tuloy ng source na ito ang nagbayad ng pagpapabolitas niya, "So, doon din kaya niya sa bading gagamitin ito?" ask pa sa akin ng source.

Natawa na lang ako.  Basta trip niya 'yon, walang basagan ng trip.  Kung may relasyon man sila ng naturang gay personality ay hayaan na natin for as long as wala naman silang inaagrabyadong ibang tao.

Basta 'pag nakikita ko na lang ang billboard ng guwapong young actor sa kahabaan ng Edsa, napapangiti na lang ako, dahil may kaugnayan din pala sa bading ang billboard na 'yon. Oo nga naman,  walang basagan ng bote, este, ng trip. Basta hashtag alam na.